Kabanata : 13

27.3K 473 10
                                    

Cath's POV


''I love you Catherine.'' Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Zech. Nahihibang na siguro ito at kung ano ano ang pumapasok sa utak kaya nasabi niya ang ganoong mga salita saakin. ''Ilang bote na baa ng nainom mo?'' tanong ko para makalusot sa sinabi niya.



''Hindi pa ako lasing nasa tamang takbo pa ang utak ko Catherine.'' Seryosong sabi ni Zech agad ko namang tinapik ang kanyang balikat at pagak na tumawa. ''Ganya pala malasing ang isang kagaya mo Zech nababaliw.'' Sabi ko pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Zech.



''Damn! Sabi ko naman sa'yo na nasa tamang takbo pa ang utak ko Catherine bakit para sa'yo isang malaking kalokohan lang ang sinasabi ko?'' sabi ni Zech at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko.




''Zech---'' tawag ko sa pangalan ni Zech habang tinatanggal ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa makabilang balikat ko. ''Hayaan mo muna akong patapusin mo muna akong magsalita Catherine!'' tumango naman ako kay Zech at bago siya magsalita ay huminga muna siya ng malalim.




''Hindi ko alam bakit nato-torpe ako kapag andyan ka. I mean hindi naman ako ganito. Pero pag dating sa'yo hindi ko alam kung paano ako mag re-react. Kaya sa huli lagi na lang kitang sinusungitan kahit na ayoko naman talaga.'' Sabi ni Zech habang nakatingin sa mga mata ko para tuloy akong malulusaw sa bawat tingin na binibigay niya.




''Akala ko noong una wala lang 'to na nagagandahan lang siguro ako sa'yo o gusto lang kitang ilayo sa daddy ko. Pero Catherine hindi pala basta ganoon lang ang nararamdaman ko dahil I'm inlove with Catherine.'' Halo-halong emosyon ang nakita ko sa mga mata ni Zech habang sinasabi ang mga salitang nasa isip niya.




''Nang sabihin ni Dalton na gusto ka niya at liligawan ka niya gusto ko siyang patayin kasi gusto ko saakin ka lang magkakagusto Catherine saakin lang walang iba.'' Parang nasa isang magandang panaginip lang ako habang nakatingin saakin si Zech.




''Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng hakbang para mapalapit sa'yo kaya ang ginawa ko na lang ay nag iiwan ako ng pulang rosas sa locker mo pero parang wala lang sa'yo 'yon. Ang nakakainis pa ay ginabi ka ng uwi at gusto na kitang hanapin pero biglang dumating ka ang masakit pa doon ay lalaki ang kasama mo.'' – Zech




Sobrang gulat na gulat ako sa nalaman ko so sa buong ilang weeks na nakakalipas si Zech pala ang nagpapadala ng mga bulaklak na 'yon na akala ko ay si Langit? At bigla kong naalala kilala pala si Zech sa pangalan na langit dahil 'yon ang tawag ni Dalton sa kanya kapag inaasar siya at nasasaktan pala siya kapag may kasama akong lalaki?





TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon