† Kabanata 12 †

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako sa salamin. May konting dugo sa uniform ko. "Tsk!" Winisikan ko ito ng tubig at kinuskos.

Badtrip! Bakit kasi kailangan pang mangyari 'yon? Pero, mabuti narin 'yon sa hayop na manyak na 'yon! Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko!

Umalis na'ko sa CR at dumiretso na papunta sa room. Pumasok ako sa Elevator. Ang tatalim ng tingin ng mga estudyante sakin dito sa loob ng elevator. Hindi ko nalang sila pinansin. Sinandal ko ang likod ko sa wall ...ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa palda ko at tumingin na lamang sa sapatos ko.

"Psh! Parang wala lang sa'yo ang ginawa mo sa classmate mo. Nakakatakot ka!"Hindi ko tiningnan ang babaeng matalim na nakatingin sa'kin. Hindi ko siya inimik.

Nakakatakot?....Tss. Eh mas nakakatakot pa nga kayo kaysa sa'kin.

"Napakaangas. Isang baguhan kalang naman dito! Tapos gumawa kana agad ng gulo!"Rinig kong sabi nung isang babae. Muli...hindi ako umimik.

"Dapat dun sa kulungan ang mga tulad mong kriminal!"Napasinghap ako ng marinig ko ang sinabi ng isang babae sakin. Tiningnan ko sila.

"Kriminal?!! Wow! Ang gagaling niyong magbunganga eh samantalang hindi niyo naman alam ang nangyari!!! Mga gago pala kayo eh! Eh kung kayo kaya ang hipuan sa hita! Bastusin! Hindi ba kayo magagalit?!!!"Sigaw ko sa loob ng elevator. Natawa ako. "Sabagay...sa mga itsura niyong 'yan ay masgugustuhin niyo pang mabastos. At baka umoo pa kayo pag kayo ang niyayang makipagsex!"Pagkasabi ko nun sakto namang bumukas ang elevator. Lumabas na'ko at iniwan silang tulala dun. Mga bwisit! Akala mo kung sino makapagsalita.

Bago pako makapasok ng room rinig ko na ang mga daldalan ng mga classmate ko...at ang topic nila ay tungkol sa ginawa ko sa manyak naming classmate. Huminga ako ng malalim at lumunok ng laway. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bigla nalang silang tumahimik. Ramdam ko ang pag-abang nila kung sino ang bubungad sa pinto. Nang tumambad na'ko sa harapan nila kitang kita ko ang mga tinging may galit. Wala ni isa ang nagtangkang alisin ang tingin sa'kin. Ramdam ko ang mga galit nila. Lahat sila ay nakatuon sa'kin habang ako ay nananatili paring nakatayo sa may pinto.

Galit sila? ..Tss.. ako rin naman galit sa kanila. Umpisa palang.

Pumunta na'ko sa upuan ko. Hindi parin natatanggal ang matatalim nilang tingin.

Masama na ba na ipagtanggol ang sarili mo? Akala ko maiintindihan nila ko kung bakit ko nagawa 'yon sa classmate namin pero obvious naman na hindi.

Dumating na ang next teacher namin sa Math. Si Sir Deguzman. Nagturo na ito ngunit ang mga classmate ko naman ay walang pakealam kay Sir. Inaasar pa nila ang matanda. May mga lumabas naman ng room.

Ilang araw palang ako dito pero parang gusto ko na agad umalis. Hindi normal ang mga estudyante dito. Tumungo na lamang ako.

x--x--x--x--DISMISSAL--x--x--x--x

Agad na nagsilabasan ang mga classmate ko. Ako naman ay kinuha ko na ang bag ko dahil ako nalang din ang natira dito sa loob ng room. Binuksan ko na ang pinto...sa pagbukas kong 'yon ay tumambad sa'kin sina Jerry at ang apat ko pang classmate na lalaki. Si Jerry na isa rin na sikat 'daw' sa school na'to...classmate ko rin siya. May mga hawak silang baseball bat.

"Excuse."Saad ko ngunit tiningnan lang nila 'ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Sabi ko, excuse."Madiin kong sabi. Ngumisi lang si Jerry sa'kin. Mas lalo akong kinabahan ng pwersahan niya kong itinulak papasok sa room at sinira na ng isa sa mga classmate ko ang pintuan.

"Ano bang problema niyo?!!!"Bulyaw ko. Hindi na talaga maganda 'to. Marahas akong hinawakan ni Jerry sa kanang braso ko. Napapikit ako sa sakit dahil sa pagkakadiin ng pagkakahawak niya. Iniharap niya 'ko sa kanya. Hindi ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong makita nila na mahina ako.  Dahil, hindi ganun ang isang Ashley Miro Tanaka.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon