Chapter 15 - The Reason

Start from the beginning
                                    

"kare no namae wa paolo" bulong ulit nung ken dun sa daddy ko

"ou nga pala anak ang daddy mo si Hayato Watanabe at yung batang iyon naman kapatid mo siya sa daddy mo si Shinoh kasing edad mo lang siya" pagbibida sa akin ni mommy habang nakikita ko ang kanyang mga ngiti.

Nang tumingin ako sa kanila ay ngumiti lang yung daddy ko at yung anak niya sa akin

"mom nakuha niyo pang ngumiti habang ipinakikilala sa akin tong taong ito" sabat ko

"paolo!" may sasabihin pa sana si mommy ng magsalita ako ulit

"mom! iniwan tayo niyang lalaking yan, hindi mo nga alam ang pangalan niyan diba! iniwan ka niya pagkatapos ka niyang buntisin tapos nung hinanap mo siya maski anino niya hindi mo makita" sumbat ko kay mommy

"but your dad didnt know that your mom is pregnant that time" singit naman nung ken

"SHUT UP!!" sigaw ko kay ken

Sa aking pagsigaw ay naramdaman kong humigpit ang kapit sa aking mga braso si ace

"pao!" mahinang boses galing kay ace

Napatingin ako sa kanya at bakas ang pag aalala sa mukha nito pero hindi ko na ito pinansin pa bagkus ay ibinalik ko ang aking paningin kay mommy

"mom naman nakuha mo pa talagang patuluyin yang lalaking yan dito, hindi ka na ba nahiya kay tito siya ang nag alaga sa atin nung kailangang kailangan natin ng suporta ng isang ama, mahiya naman ho kayo" mahabang litanya ko

Nang sabihin ko yun ay bigla akong sinampal ni mommy, at bakas din sa mga mukha nung mga bisita namin ang pagkabigla

"tita pam" gulat na reaksyon ni ace

"Paolo Miguel wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan anak lang kita at wag na wag mo akong sasabihan ng walang hiya" yan ang mga binitawang salita ni mommy

"bahala kayo!" sagot ko dito sabay talikod

"san ka pupunta bumalik ka dito" sigaw ni mommy

"paolo sandali" sabi ni ace

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now