First date part 2

1.6K 27 2
                                    

Rylie’s POV

Rylie WAIT~~~~~~~~~

Psssshhht

Sa dami ng ingay na ginagawa ng Chloe na ‘to sa buhay ko,hindi ko na alam kung anong unang pakikinggan ko.

OH NOOO!!!! Sigaw niya. Ano na naman kaya yun?

Oh my, Sorry Rylie! Nasira ko damit mo…. TT   TT

Huh? Nasira daw ang ano?

Pagtingin ko , napunit yung gilid ng vest ko… Buti na lang,vest lang yung nasira..

-_-..  Hindi naman ako galit, pero bakit ba kasi ako biglang hinatak nito.

Sorry talaga! Wag ka na magalit, please??? Kasi naman,nagulat ako nung tinaas mo yung gamot.May sakit ka ba? Sunod sunod niyang sabi..

Umiling lang ako.. Sa wala na naman talaga sakit ng ulo ko,eh

Hala, pano na yan, nasira yung damit mo…. Anong gagawin ko??? TT   TT

Ano ba naman to, naiiyak na naman,,ang liit na bagay lang.

Okay lang. sabi ko

HUH? Wow! Nagsalita ka rin sa wakas!!! Pero, wait, hindi ….kailangan maayos ko yung damit mo. Sabi niya

Ang kulit talaga,sinabing okay lang. Naglakad na ulit ako… Andami kasing commercial nito, library lang di pa namin marating agad.

.Alam ko na! Sigaw niya… sinabayan niya ko sa paglakad  sabay sabi… Daan muna tayong  Home Eco room,, may sewing kit dun, tara!!! Sabay hatak niya sakin.

Di naman matatahimik ‘to, kaya sige,sunod na lang ng matapos na’to.

Pagdating namin dun, nakalock yung pintuan….

Pero naglabas siya ng susi…

Hihi! ^____^ Alam mo, di mo natatanong, vice president ako ng  Home Eco Club, president yung bestfriend ko si Frisha!  Kaya, ito, may susi kaming dalawa!

Kaya pala ang lakas magyaya kahit weekend, may susi pala.

Pagpasok namin, dire-diretso siya sa may cabinet sabay labas ng isang yellow na box.

Alam mo,hindi mo natatanong, magaling ako magtahi, gusto ko ngang maging designer paglaki ko,eh!  Dream ko, ako magtatahi ng wedding clothes natin…. ^ _____^

Ako  -_-

Haha,,joke! I mean wedding dress ko… sabay bawi niya

Oh, hubad na!  Sabi niya sabay lapit sakin.

AKo naman… o _-

Ah…I mean ng vest mo! Tatahiin ko na kasi…sabi niyahabang nagbblush…

Heh..Nahihiya rin pala ‘to… Tinanggal ko na yung vest ko sabay abot sa kanya.

Kinuha niya yun sabay talikod sakin…

Chloe’s POV

OMG~~~ Hindi ko to kinakaya!! Bakit ba kinikilig ako ng ganto? Vest lang naman hinubad ni Rylie… EEEHH,,,ganto nab a kagrabe pagnanasa,este paghanga ko sa kanya…

Good Heaven! Save me from temptation! Joke!  OA ba? Nakapolo pa kaya siya…

Tumalikod na ko para magtahi, naiilang kasi ako,kaming dalawa lang dito…  Tinignan  ko yung oras,8:10…

Weh? 8:10 pa lang? Feeling ko andami ng nangyari…

Tahi…. Tahi…tahi…

Malapit na ko matapos,, pupunta na kami library….

She got me with a pick up lineWhere stories live. Discover now