[65] Anything Or Everything?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Post-traumatic amnesia or sometimes called, traumatic amnesia may be either permanent or temporary. It can be either anterograde which is the patient can create new memories due to the brain damage. Pwede ring retorograde amnesiya which he can recall memories. Hindi ko pa masasagot sa ngayon kung ano ang specific na amnesia ang meron ang anak ninyo, Mr. and Mrs. Lee."

"Oh God... Ano bang nangyayari sa atin? Bakit tayo pinaparusahan ng ganito?"

"Calm down, Elizabeth..."

"How can I calm down? May amnesia ang anak natin! Hindi nga niya tayo matandaan oh! Problema 'to!"

"Excuse me..."

"Amnesia?" I thought aloud. Isinandal ko ang likod ko sa pader. Pinakiramdaman ko ang lakas ng kaba sa dibdib ko. This can't be. Paano na ako nito? Mas lalong hindi ako matatandaan ni Kurt ngayong may amnesia siya.

Huminga muna ako malalim bago ako nagpakita sa kanila. Naglalakad pa lang ako palapit sa kanila nang lumingon sa direksyon ko si Tita Elizabeth. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin, mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.

"You're here again?" She said fiercely the moment I approached them. Napayuko nalang ako at hinawakan ang tiyan ko. "Hindi ka na ba nahiya sa amin? Lagi-lagi ka nalang nandi-"

She cut off her words when Tito Lucas stopped her. "Elizabeth, shut up. Baka nakakalimutan mo, buntis yang kinakausap mo." He hissed.

"Pero hindi dapat siya maabutan dito ng mga Rivera. Nakakahiya sa kanila!"

"You should at least respect her."

Pinakinggan ko lang sila na magtalo sa harapan ko. I heard Tita Elizabeth sighed loudly kaya tumingin na ako sa kanya. I saw her staring sternly at me.

"Hangga't hindi pa ako sigurado dyan sa dinadala mong bata, huwag mo akong i-expect na ituturing kita ng mabuti. For me, you're still a nobody. Excuse me," she started taking steps away from us.

'Di ko tuloy mapigilan na hindi mapaluha. Masyado siyang masakit magsalita, pero hindi ko sila masisisi. Hindi ko naman sila pwedeng pilitin na maniwala na pinagbubuntis ko ang anak namin ni Kurt. Just wait and see after you run the DNA test with my baby.

Tito Lucas tapped my shoulder, "Mariz, pagpasensyahan mo na ang asawa ko ha? Masyado lang siyang stressed sa mga nangyayari. Bukod kasi dito sa nangyari kay Kurt, may problema din kami sa trabaho namin."

I smiled weakly at him, "Don't worry po. I'm fine... Hindi ko naman po siya masisisi eh." I tucked some hair strands that blocked my face. "Kamusta na nga po pala si Kurt? Nagsalita na po ba siya?"

His face went blank. Hindi agad siya nakakibo sa akin. He sighed as he placed his right hand on his pocket, "Nagkaseizure siya kanina. The doctor had to inject something to him. Pampakalma yata yun."

Kahit na narinig ko ang usapan nila ng doctor, mas pinili ko pa rin na magkunwaring walang alam. Mas gugustuhin kong malaman mismo kay Kurt kung meron nga siyang amnesia. I want to talk to him right now.

"Tito, can I come inside??"

"Sige, pasok ka lang. Aalis muna kami saglit ni Elizabeth. May imi-meet kaming client."

Nagpaalam na si Tito Lucas sa akin kaya naman pumasok na ako agad sa hospital room ni Kurt. Pinagpapawisan ako ng butil-butil sa noo ko dahil sa nerbyos na nararamdaman ko. Naabutan ko si Emily na inaayos ang mga apparatus na nakakabit kay Kurt.

"Kamusta siya, Emily?" I asked her.

Lumingon siya sa akin. But I don't give a d@mn on her. Kay Kurt lang ako nakatingin. Kagaya kagabi, nakatulala pa rin siya. Pero hindi na sa kisame, he was staring on his right side... idling.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon