Pero hindi ako makapagsalita. Pumikit ako ng madiin at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan siya sa braso.

"Umuwi na ta- "

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil kinulong niya na ako sa mga braso niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

Damang dama ko ang pag aalala niya sa sobrang higpit ng yakap niya. Hindi ako makahinga pero hindi ako nagpumiglas.

Pakiramdam ko kasi protektado niya ako sa mga yakap niya.

Inihiwalay niya ako sa katawan niya at ngumiti siya ng mapait. Tiningnan ko ang mga mata niya at nakitang wala na doon ang galit at poot.

Lumipad ang tingin niya sa mukha ko. Hinaplos niya ito gamit ang dalawa niyang palad. Pinunasan niya ang mga luha ko ng malumanay.

"Ssssh. Stop crying. You'll gonna be okay."

Tumango lang ako sa kanya. Gusto ko ulit siyang yakapin ng sobrang higpit. Nakita kong binagsak niya ang mga kamay sa mga palapulsuhan ko at hinaplos iyon ng marahan.

"Does it hurt?"

Umiling lang ako sa kanya. Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko dahil sa nakikitang labis na pag aalala ni Theon sa akin.

Hinuli niya ang mga mata ko habang hawak ang mga kamay ko. Patuloy niya lang iyong hinahaplos.

"S-sorry ha? Hindi ako dumating ng mas maaga. Tinext lang kasi ako ni Aidann na may kumakausap daw sayong lalaki. Kaya nagkukumahog naman talaga akong lumabas ng bahay. Halos paliparin ko nga ang sasakyan papunta rito. Tapos ganoon pa ang madadatnan ko."

Biglang dumilim ang mukha niya sa huling sinabi. "Good thing I didn't come here wearing boxershorts. Cause I almost forgot to wear pants." pinilit niyang tumawa sa sinabi.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Pinunasan niya ulit ang namumuong luha doon.

"Forget about it. He was already taken into custody"

Kinagat ko ang labi para pigilan muli ang paghikbi. Wala akong masabi sa kabaitan niya.

Ni hindi niya man lang ako sinisi sa nangyari kahit kasalanan ko naman talaga. Lumabas pa kasi ako kahit alam kung hindi okay sa kanya.

"Let's go home so you could rest." Malambing niyang sabi at hinalikan ako ng matagal sa noo.

Iginiya niya ako papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan at kinabitan ng seatbelt. Pakiramdam ko tuloy napakahalaga ko sa kanya.

Tahimik lang naming nilisan ang nasabing lugar. Wala kaming imikang dalawa sa loob.

Nakikita kong pasulyap sulyap siya sa gawi ko pero hindi na siya nagtangkang makipag usap pa.

Pareho naming pinapakiramdaman ang isa't isa. Pero wala saming nagsalita .

Sinabihan ako ni Theon kanina na iwan ko muna ang sasakyan ko doon. Tutal may nagbabantay naman daw na guard.

Daanan ko na lang siguro bukas kapag okay na ang pakiramdam ko.

Bumaba na agad ako ng sasakyan ng makapagpark si Theon sa tapat ng bahay. Naririnig ko ang mga yapak niyang nakasunod sakin papasok ng bahay.

"You need water?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Hindi na, maliligo na lang muna ako."

Nakatingin lang siya sakin nang matagal bago siya muling nagsalita.

"Okay, I'll follow you upstairs later. I'll just drink water."

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now