Chapter 1

31.8K 545 19
                                    

Aryanna POV

"Ganda, pa-rebond ka?" tanong ko sa dalagitang dumaan sa pwesto namin habang nakasandal ako sa hamba ng pintuan at nilalaro ang dulo ng buhok ko.

Pinalobo ko ang bubblegum na nasa bunganga ko at pinaputok.

"Pa-rebond ka na 'te. Dry na dry ang hair mo."

Aba't hindi ako nilingon. Tsk!

Kailangan ko pa man din ng pera ngayon. Wala na kasing pagkain si Bern. Napanguso ako nang maalala ang alaga. Mahal na mahal ko pa man din 'yon.

"Maganda ako magrebond miss."
Tsk! Di pa rin ako pinansin.

Buhay nga naman! Anong diskarte ba ang gagawin ko para makakuha ng customer ngayon? Dapat 'yong madatung, 'yong malaki magbigay ng tip.

'Yong hindi lang gupit at manicure ang gusto kundi rebond. Brazilian rebond. Naku! malaking pera 'yon kung nagkataon.

"May discount pag sakin ka nagpagawa." pa-habol ko doon sa bagets nang hindi pa siya nakakalayo sa pwesto namin.

Pero sa halip na lumingon ay wala akong napala.

P*tangina! Napapadyak ako!

Naglakad pa ako sa gitna ng daan habang tinatanaw 'yong bata at sumigaw "Ate. 75% discount! Libre na massage saka pa-picture sa maganda kong mukha."

"Hoy Arya! Pumasok ka nga dito! Anong 75% discount ang pinagsisigaw mo diyan?"

Patay. Narinig ako ng boss ko. Si Kris.

"Baliw ka ba talaga?! Saan mo nakuha 'yang 75% na 'yan?"

Magagalit na naman 'yan. Malaki pa man din kasalanan ko kahapon sa kanya. Tsk! Dinala kasi ako sa presinto kahapon dahil sa Jaywalking.

Masisisi ba nila ako eh bagot na bagot na ako kakahintay mag-green light sa pedestrian lane. Akalain mo 'yon, umabot ng 1 minute. Ang tagal!

May nag-salpokan kasing sasakyan dahil sa ginawa ko. Sinisi nila ako.

Pagpunta ko sa presinto. Halos lumuwa mata ko. Ang laki ng multa ko. Napilitan tuloy akong tawagan si Kris.

Siya tumulong sakin doon sa gunggong na pulis na nakahuli sakin. Tumakbo nga ko 'nun pero nahuli pa rin ako. Letse! Yoko na maalala. Nakakasira ng araw.

"Mag usap nga tayo Arya!"

Natagpuan ko na lang ang sarili na hila hila ni Kris papasok sa loob at naramdaman ang malambot na upuan nang tinulak niya ako sa mahabang couch. Ang sakit 'non a. Taragis na baklang to. Di na naawa sakin.

Kung makatulak parang pinapakain ako ng lechon. Eh huling libre nga niya, last year pa.

Buti na lang hindi chipipay ang libre. Nanalo kasi ng jueteng ang bading. Chumibog talaga ako ng husto noon. Minsan lang 'to manlibre eh.

"75% discount pala ah. Kaninong business 'to aber? Nagdedesisyon kang mag-isa mo diyan! Ano ka? Owner?"

Pinukol ko siya ng masamang tingin at hinawakan ang braso na humahapdi. Hinaplos ko iyon at agad na tiningnan si Kris na nakahalukipkip na halatang walang pakialam kahit magdugo ang braso ko.

Diko nga alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigang ganito. Kahapon nga ang dami kong mura na natanggap sa kanya. Lahat ng pwedeng idugtong sa sht, ginamit niya. Bullsht. Dipsht. Holysht.

Binayaran ko naman agad pera niya. Kaso labag kasi sa kalooban niya pagtulong sakin, naudlot daw ang blind date ng bebot. Bwesit!

"Hoy Aryanna Castañeda! Kailangang ulit ulitin kung ano ka dito. Beautician ka! Ako ang owner! Kaya magtigil ka sa kaka75% mo diyan sa labas."

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu