Ch. 10 - Pt. 6 - Call & Text convo

Magsimula sa umpisa
                                    

Di muna ako nagsalita. Erm, wag na lang! Ba't ko ba sasabihin yun, nakakahiya! Pero, "May--" - itutuloy ko na sana yung sasabihin ko pero natigilan ako dahil biglang may nagdoorbell.

Syempre bumaba ako. Pero pagsilip ko naman sa bintana, mang hihingi ata? At syempre, di ako lumabas. Para tuloy akong teroristang nagtatago.

"Anae?" - Gosu.

"Yep?" - Ako.

Sumilip ulit ako sa bintana. Mapilit din yun oh. Kitang nakasara yung pinto. Anla tao dito, shoo LOL

"Anae ko.." - ulit n'ya

"Anu---" - mahina kong tanong---

"I love you" - sabi n'ya.

". . . . ." - Hindi ako nakapagsalita ng kahit ano nung sinabi n'ya yun. Ewan ko, bigla ngang bumilis yung puso eh.. at, parang... kinilig ata ako.

At dahil medyo naiinitan ako, iniwan ko muna yung phone ko dun sa sofa. Tutal, hindi na ulit s'ya magsasalita. Pumunta ako dun sa pinakamalapit na aircon at binuksan yun. Weird. Ang init ng mukha ko tapos yung kamay ko, ang lamig. 2-3 minutes yata akong nakaharap sa aircon.

Bumalik ako at kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung screen. Baka kase in-end na nya yung tawag eh.. pero hindi pa pala. Nakangiti kong nilagay yung phone ko sa tenga. Uh, w-wait? Sinabi ko bang nakangiti ako?

"Gosu?" - tawag ko.

"Andyan ka pa?" - tanong ko.

Walang sumagot kaya inulit ulit ko yung tanong at yung name nya. Teka, nagtampo ba sya?

"Nampyeon?" - medyo nahihiya kong tawag sa kanya. 

Still, wala pa ring sumagot. Asan yun? 

"Nampyeon ko..?" - ulit ko. "Huy? Hubby? Huy?"

Natigilan ako at nakaramdam ng inis. Narinig ko kase ng mahina yung hilik n'ya eh. Tulugan daw ba ako ni Nam.. pyeon?! Pero, pagod ata s'ya mula sa practice... 

"Gosu.. bakit Daryl ang tawag sa'yo ni Mini?" - tanong ko sa kanya kahit alam kong tulog na s'ya.

Hindi sya sumagot. Akala ko sasagot s'ya.. Gusto rin kasing marinig yung dahilan. Kung close ba sila? At kung ano yung nangyari kung bakit di na sila mag-MU.. pero sabagay, past is past. Kung gising sya, mag eexplain sya. May pagka-defensive rin s'ya eh, pero nakakatuwa naman yung pagiging defensive n'ya.

"Di bale, may tiwala naman ako sa'yo eh.. kahit di pa tayo." - sabi ko sa kanya. 

Tumingala ako sa kisame, "Gosu.. Nampyeon ko.." Napatawa ako sa sarili ko. Ewan, natatawa ako sa sarili ko eh! Sabi ko hinding hindi ko s'ya tatawagin ng ganun.. 

"Alam mo ba, nagseselos ako? Heh! Di bagay sa'kin no?" Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama at napahinga ng malalim. I never knew na, ang hirap nito! Ang hirap sabihin ng gusto kong sabihin.. yung lahat-lahat.

"Mahal na rin kita.. Daryl Seuk Kang" - sabi ko. I-eend ko na sana yung call pero nakarinig ako ng pagbukas ng pinto mula sa kabilang linya.

"Master, the food is already... What is it, master? I'll leave, Master Kang? But you need to--- Master, you need to--- Why are you smiling like an idiot, master? Yes master? Do you want me to leave, Master? YAH ALLEN @#$% leave already, Allen @#$%!!!"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. PAKSHET! @#$%!!!

"Gosu, gising ka pa ba?" - nanginginig kong tanong.

"Y-Yep. Anae, walang bawian ah! Nagseselos ka pala..." - Gosu na sa boses pa lang ay alam ko ng malapad na naman ang ngiti @#$%

"Gagu!" - inis kong sabi sa kanya.

"Mahal mo naman ^_______^" - rinig kong sabi n'ya

Ayan oh, niloloko ako! "Daya! Akala ko tulog ka na?! Tsss!!!"

"Trip lang, anae! Ba't ko naman tutulugan yung waipheu ko?" - tanong naman n'ya.

"Basta, madaya ka!" - sabi ko sa kanya. Pumunta naman ako dun sa kwarto ni Bianca tutal wala na yung taong manghihingi.

"Anae ko.." - tawag n'ya sa'kin. 

"O?!" - inis kong tanong.

"I love you" - ulit n'ya.

"Whatever! Matulog ka na nga!" - sabi ko sabay end ng call.

Mga 20 seconds, may nagtext. Sino pa ba? Edi si Bianca! De, si Gagu @#$%! 

Message: Anae, kaibigan ni Honey yung kapatid ni Mini kaya naging close na kami. Wag na selos. Di totoo na naging MU ko yun. Pampaselos lang, effective naman di ba? ^ ^ ~end of message.

  

Kapal oh @#$%! 

Message ko: Ganun na kayo ka-close? "Daryl" ang tawagan?

Message niya: O sige, lalayuan ko na yun. Wag ka na selos. Love you ^ ^

Message ko: Tigilan mo nga ko sa I love you mo

Message niya: I-edit mo at iwan lang yung I love you ^ ^

Message ko: Gagu. Wala kang kwentang kausap!

Message niya: I love you ^ ^

Message ko: MATULOG KA NA!

Message niya: Mag sweet dreams ka muna ^ ^

Message ko: O, sweet dreams. Tsk

Message niya: Goodnight! Love you ^ ^

Message ko: Last text mo na yan

Message niya: Opo, love you po ^ ^

Mga 2 minutes na ang nakaraan matapos yung text na yun, wala ng sumunod pa. Namatay na yung ilaw nung phone ko at nakita ko sa screen ang nakangiti kong mukha. Napatingin din ako sa salamin na naroon sa kwarto't nakita ko yung nakangiti kong mukha. Kinuha ko yung unan at tinakluban ko ang mukha ko gamit yun.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon