IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 2

*insert undefying gravity este alarm tone here*

Charice POV

Napamulat ko na parang ganito: O__O

Teka, umaga na ba? Sa bagay, kumain naman ako ng dinner kaya sunod ng gabi ay umaga. Common sense din Cha! Common sense! Mahiya ka naman sa mga mind reader d'yan na nababasa ang mga nasa isip ko.

At oo, kung tinamaan ka, oo, ikaw nga yun!

Tumayo ako sa higaan at tumingin sa salamin. Syempre, kita ko agad ang cold eyes ko. Bakit ganito ang mata ko. Napaka-- wait, anong pwedeng i-describe sa matang ito na masarap dukutin for experimentation at ibigay sa Reseach Institute ng America o US?

Dahil di ko maisip kung anong pwedeng i-describe sa mata ko, pumunta ako sa CR (comfort room po yun sa mga di alam ang acronym na "CR"). Nag toothbrush ako using the colgate na pwede kang maging poso tapos iikot ikot ka tapos may ice cubes na pala sa paligid tapos sabay sabing:

"Wooooo! Fresh!" - pero syempre sa isip lang yun, baka isipin nila, baliw ako.

Matapos ang aking pag totootbrush, naligo ako at nagbihis. Pina-ayos ko nga itong uniform ko eh -- Kay Mama. Buti naman ay sumakto kahit binigay ko lamang yung measurements ko sa may papel (daig ko pa ang may katulong). At ayun, bumaba na ko ng hagdan. Yung feeling na para kang mag-dedebut at ipapakita dun sa mga tao yung damit mo, yung ganun. Pff

 "Cha! Morning!" - nakangiting bati ng aking ina na syang nag ayos ng aking uniporme.

Tumingin lang ako sa kanya tapos umupo at kumuha ng pandesal at nilagay sa oven toaster. O di ba, kahit pandesal, ini-o-oven toaster ko para gastos sa kuryente?

Saka ko naman sya nilagyan ng bacon na kaka-microwave lang. Ansabe naman ng bacon sa mesa? Naku, sa umpisa lamang ito kaya lulubos-lubusin ko na! 

Umalis ang mama ko sa lamesa at pumasok sa kwarto. At alam ko ang dahilan! Di ko sasabihin! Pero dahil mapilit kayo, sige: bibigyan na niya ako ng kwarta. In other words, malalaman ko na kung may dagdag yung baon ko! Php 60.00 kasi nung 2nd year ako.. so.. sana naman, dahil 3rd year na ako.. Php 70 o 80 na (kislap kislap mata)

"Cha, ito baon mo! Ingat ka!" - sabi ni Mama sabay abot ng Php 65.00. Meh! I expect too much and I was disappointed too mats! Dahil di ako pwedeng magreklamo (di nga kasi kami close), kinuha ko na yung pera tapos tumingin sa kanya tapos umalis na. Sana naman naramdaman nyang I want Php 5.00 more

  

Sumakay na ko ng dyip. Binigay ko yung bayad ko sa kanya tapos mamaya nakita ko na yung school namin. (Bilis di ba? Parang kapitbahay lang) Bumaba ako sa gate. Hindi kami mayaman kaya naka-dyip lang ako. At saka, if ever na magkakaroon kami ng sasakyan -- sino namang magdri-drive? Alangan namang ako e, 3rd year pa lang ako? Though alam kong mag dri--

"Goodmorning Chaaa~" sabi ni Bianca na ganito ang fes: ( * u * )

"Grabe ka! Inayos-ayos ko ng mabuti mukha ko para lang batiin ka with my magandang face tapos di mo man lang ako babatiin?!" - pagdradrama nya.

Hindi ko s'ya pinansin. Naglalakad na lang kami papunta dun sa malaki at mahabang blackboard kung saan naka-sulat kung ano yung section mo at yun assigned room. Nakatingin siya sa blackboard at hinahanap ang section ko at kung magkaklase kami.

  

"OMG!" - panimula nya. Nako, mukhang magkaklase na naman kami -- which is  a good thing---

"OMG, may mga kaklase tayong mga wafu!" - patuloy nya.

"Tss, kala ko magandang balita.." - sabi ko matapos ko yung marinig.

"Hmp, ano ba ang magandang balita sayo?" - tanong nya.

"Pag di na kita kaklase." - sagot ko.

Kung nakinig kayo kahapon sa'kin, you know that-- that's a lie. So ayun, dahil sinabi ko yun, hinampas niya ko. Di yun dahil sa inis nya.

"Alam mo kung di lang kita ng lubos--- hooot! Nakuuu!" sabi niya.

"Bakit nga ba kasi kilala mo ko" - sabi ko. Wala tuloy akong Privacy. (Ansave?)

.

Pumunta na kami sa classroom. Nakita ko yung mga dati kong kaklase at aba, may kumpulang nagaganap! Mga kaibigan, may kumpulan pong nagaganap sa may bandang.. wait, kanan o kaliwa? (meheheys) basta sa may likod. Kayo na ang bahalang humusga. XD

"Anong meron dun?" - tanong ko.

"Ah... baka si Wafu" - sagot nya.

"Wafu? Pangit naman ng name." - sabi ko.

"Tae mo talaga, wafu is gwapo! Maka-luma ka talaga kahit kailan!" - sabi nya.

"Eh bakit Wafu? Dapat Gagu." - sabi ko.

"Ang KJ mo teh! Kaya ka NBSB eh" - sabi nya sabay nguso.

"Wag ka ngang ngumuso. Mamaya eh makabili ako ng fish food at ipakain sa'yo" - banta ko.

"Ansama neto!" - sabi naman nya.

"So, san tayo uupo?" - tanong ko.

"Edi sa malapit ni wafu! Minsan lang magkaroon ng "King" dito ah! At biruin mo, sya yung unang "King" na nakita ko ng malapitan tapos kaklase pa! Weheee!" - sabi nya.

King his face! Kingkong

"Kekeke... ayaw mo?" - tanong niya.

"Tss.. dami ng nakaupo jan, tara sa malayo" - sabi ko.

So pumunta kami sa malayo. Kung i-memeasure kung gaano ka-layo mula dun sa point of circumference, wag ng i-measure. Sakit pa yan sa ulo. Dun sa gilid na pangalawa sa unahan pero sa malayo sa pinto at sa may bintana kami umupo.

"Uy!" - Bianca.

Tumingin ako sa kanya gamit ang bakit-ano-na-naman-ang-kailangan-mo look. Pinoint niya yung nguso niya sa likod ko. Dahil di ko gets, tumingin ako sa likod.

"Wag na tayo dito" - bulong niya.

Nagtaka naman ako. Masama bang umupo sa unahan ng natutulog? Bale nasa likod yung lalaking tulog. Ang messy ng hair.. parang di nagsuklay pero parang may gel. Kung tutulog sya, sayang naman yung gel nya di beyy? Di nag-iisip?

  

Nakatingin lang kami sa kanya habang ako ay nagdedesisyon kung lilipat o hindi... ng bigla siyang nagising -- natigilan ang lahat.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!