IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 3 - Pt. 3

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!* - mas mahaba na ata yung alarm ko

Charice POV

Umaga na =__=

Papasok na naman! Katamad! First week pa lang nakakatamad ng pumasok! Friday na nga pala ngayon. Bukas, wala na. Pahinga naaaa! Malapit na, konting tiis na lang! O.A.?

Bumaba na ako. Nagbihis, dating gawi pag napasok. Pagka-baba ko, wala si mama. Iniwan na lang niya yung baon ko sa may mesa. As usual, may note.

"Umalis muna ako Cha~ Mamayang gabi ako uuwi. Ingat ♥"

Ewww. What a love shape is that, hindi constant yung size =___=

  

Kinain ko na yung nakahandang almusal. Lumabas at sumakay na ng jeep. Mga 20 minutes, Nakita ko na yung school kaya bumaba na ko.

"Cha!" - bati ni Bianca

Tumingin lang ako sa kanya -- as usual. Tapos naglakad na kami papuntang classroom. Pero bago yon, lumapit s'ya ng konti sa'kin.

"Kahapon, nakita ko.." - Bianca.

"Are you back?" - dagdag nya.

"Are we going to be back? *0*" - dagdag sa dinagdag nya.

"Anong sinasabi mo?" - patay malisya kong tanong kahit alam ko.

"I mean! Yung 'that!' Ikaw ba yun? "Ikaw ba yung nakita ko sa may motor? Pero ba't di ikaw yung nagmamaneho?" - Bianca.

Di ako sumagot. Naglalakad lang kami.

"Tingnan mo yung itsura nakakatawa!" - sabi ng isa sabay hagalpak sa tawa.

"Parang iiyak na nga eh! Buti nga sa kanya! Poser!" - dagdag pa nung isa.

"S'yang s'ya na kasi eh! Di man lang naniniwala sa kasabihang: walang sikretong di mabubunyag" - sabi pa nung isa.

Ansave naman nung kasabihang iyon? Ba't yung akin, mukhang di na mabubunyag? Hoho. Magaling kasi ako! Magaling akong umarte't mag patay malisya! 

Napatingin naman kami sa harap ng room namin. Ano ba daw yun? Daming tao = . = 

"Anong nangyayari?" - Bianca.

"Si Charice... yung si Maria.." - isang lalaking maputi.

"Ay?" - Bianca.

"Just look mga teh, umiiyak s'ya dahil sinabi ni Gosu na di na daw niya to ihahatid. When in fact, hindi naman talaga s'ya hinatid kahapon!" - yung lalaki.

"I did this for you to notice me, Daryl!" - sabi ng babaeng umiiyak. Boses ni Maria ata? Anong kadramahan itey?!

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!