IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 5 - Pt. 7

"......................" - Kami.

Charice POV

Ang tahimik =__=

"Masarap ba?" - walang kwenta nyang tanong.

"Di ka mahilig sa matatamis?" - tanong kong may kwenta (kahit papaano).

Di pa kasi niya nagagalaw yung vanilla cake na maraming asukal eh. Sayang! Tapos pinipirat (fina-flat) lang niya yung cake gamit yung tinidor. Yung chocolate shake, uminom naman sya. Naka-kalahati na nga eh.

"Medyo." - sagot naman nya.

Kumain na lang ulit ako. Ang tahimik na naman --------

"Teka" - sabi ko.

Napatigil sya sa pag-ibo (pag-galaw) ng tinidor niya sa plato. May napansin kasi ako. Humigop  (uminom) muna ako ng shake kasi parang di clear yung pagsasalita ko dahil nung cake. 

"Singsing mo?" - tanong ko.

Ang random ba? Eh yung suot nya kasing singsing -- pambabae. At, parehas kami ng singsing--- Don't.. tell me-- sya yung nagpadala nung-- wait? Ba't naman sya? Impossibru kasi.. Kasi..?

"Ah.." - nasabi nya lang ng di natingin sa'kin.

"Natanggap 'nyo' ba ang pinadala ko?" - dagdag nya.

"P-pinadala?" - tanong ko.

"Natanggap mo?" - tanong nya.

Uh..... Ano daw? Sagutin ng tanong ang tanong?

"Uhm.. yung mga bags?" - tanong ko.

"Natanggap mo?" - tanong nya ULIT.

"Oo ata?" - tanong ko rin ULIT.

Ngumiti lang sya sabay tingin dun sa singsing na suot ko (which is yung parehas nung kanya). Sinong lalaki ang susuot ng singsing na pambabae at ang hugis at desenyo ay puso?

*beep* - sabi ng pepon (phone) ko.

- - - - - Bianca: Di ka half day? T__T

Napatingin ako kay Gosu na nakatingin rin sa'kin.

"Papasok ka?" - tanong ko.

"Ikaw?" - tanong nya.

Ok, ang tanong ko po ay hindi tanong. Ininom ko na yung choco shake ko in one shot. Isang bagsakan, yeah rock \m/ Lamig nga eh! Chalap chalap *Q*

"Tara na?" - sabi ko ng patanong.

Ngumiti lang sya. Ano ba yan, parati na lang ngumingiti. Parang baliw lang eh.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!