IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 11 - Pt. 8

"Hey girls" - Jaeki?

Charice POV.

Napatingin kaming anim (Ako, Bianca, Layzzah, Prances, Angelli at Kimberly) sa kanya. Papalabas na kami ng school dahil labasan na ng tawagin nga kami nitong Jaeking ito.

"Anong kailangan?" - tanong ni Layzzah.

"Imbitado daw kayo sa birthday ni Ji" - sagot naman n'ya.

"Bakit? Kami lang friends n'ya?" - tanong ni Bianca na nakataas ang kilay.

"Imbitahin n'ya na lang yung Black n'ya no!" dagdag pa n'ya.

Bakit? Anyare?

"Sus, punta na lang kayo sa Pizza Hut! Baka umiyak yun" - Jaeki.

"Hayaan mo s'ya---" - Bianca.

"Pizza hut? Wow pizza!!!" - patay gutom na si Prances =__=

"Onga tara! Libre naman! Atsaka, hindi ba, sabi mo, gutom ka na, Bianca?" - Kimberly.

"Ano? Sinong gutom?!" - Bianca.

"Ikaw -_-" - sabi ko sabay crossed arms.

Hindi naman s'ya nagsalita pero naglakad s'ya pauna. Pagkatapos ng konting hakbang, "Sus, bahala kayo d'yan!" - sabi pa n'ya at naglakad pa ulit.

Mamaya naman ay may tumunog na busina. Pagtingin namin ay may kotseng itim na nakaharang sa daan ni Bianca. "Tara, sakay" - sabi ni YoonJae na nasa likod ng kotse. Syempre, tumakbo naman si Kimberly pasakay dun sa kotse. Sumunod naman si Angelli, Layzzah, Prances -- na hinila ako -- at syempre, hinila ko na rin si Bianca -__-

Sumakay na din naman si Jaeki dun sa unahan (katabi ng driver) at tahimik na umandar ang sasakyan.

- - -

"Ayan na pala sila eh!" - rinig naming sabi ni Honey (yung kapatid ni Gosu, sa mga nakalimutan na)

Nag unahan naman sina Prances umupo. Umupo naman si Bianca sa tabi ni Thunder (yung pinsan ni Gosu) at ako naman, sa tabi ng kapatid ni Gosu na si Honey.. dun ako umupo. Bale ang mga nandito ay: Ako, Bianca, Layzzah, Prances, Kimberly, Angelli, Honey, Thunder, Ji, Jaeki, YoonJae..

"Oi little brother! Dali!" - Honey na nakatingin sa may entrance ng Pizza Hut @#$%!

Nakita ko naman si Gosu na nasa may entrance. Nagkasalubong tingin namin pero umiwas naman agad s'ya at parang walang ganang pumasok at lumapit dun sa table namin. Umupo s'ya dun sa bakanteng upuan -- upuang nasa harap ni Honey (which is yung katabi ko) kaya medyo magkaharapan kami! Awkward!

"Kantahan natin si Ji! \*O*/" - Honey.

Kumanta naman kami este sila. Taga palakpak lang ako eh -- pati na rin pala si Bianca. Inorder naman nila yung big group feast na good for 12. Yung Php 2000. Talagang inalam ko ano?

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!