IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 9 - Pt. 9

"Yah anae!" - Gosu na nagmamadaling kinuha yung hawak ko (which is yung itim na notebook na walang disenyo) sabay tingin sa'kin.

Charice POV.

"M-may.. nabasa ka ba?" - tanong nya.

"Wala ah, binigay kasi ni Hee" - pagbibintang ko LOL

"Ahh.." - Gosu sabay upo sa upuan nya at nilagay don yung notebook.

Yun nga lang ang nahawakan ko eh, yung ibang laman di ko nilabas eh. Na-curious lang ako kung ano yung nakasulat dun sa notebook kaya nailabas ko!

"Anae malapit na mag 5" - Gosu.

Napatingin naman ako sa orasan ko.

"Tara na ba?" - tanong ko.

"Oo, tayo na" - Gosu ng nakatingin sa'kin.

Tumayo na ako at inayos-ayos yung damit ko at saka tumingin sa kanya na kasalukuyang nakaupo pa rin hanggang ngayon.

"O, akala ko ba tayo na?" - Ako.

"Onga" - Gosu sabay tayo.

Tumayo na din naman si Hee at hinawakan kamay ko at hinawakan kamay ni Gosu kaya nasa may gitna sya at nakatingala.

Lumabas na kami ng JYP Restaurant at pumunta na dun sa service. Nasabi ko ba na ang service ay teams #1-10, 11-20 and so on? So sa parang bus na maliit na ito, ang ingay -__-

"Ehem! Hello everyone. Since tapos na ang Mission #2, ang mission #3 po ay manggagaling sa mga bata! So mga bata, ibigay nyo nga sa'min ang pinaka-importanteng natutunan nyo ngayong araw?" - sabi ng babaeng may mic na nasa may unahan.

"Bawal po tanggihan ang grasya dahil biyaya po ito ng ating Panginoon kaya po atin syang pasalamatan bago po tayo kumain at bago tayo matulog" - si Hee *u*

Tinginan naman sa'min yung mga officers(? officials? representatives?) nung event at pinalakpakan kami. Ansabe?

"Team #10 - passed :)" - sabi nung katabi nung babae at binigyan kami ng papel.

"Don't talk when your mouth is full!" - sabi nung isang batang pa-bibo.

"Team #3 - passed"

"Kaliwa po tinidor, kanan.. kutsara!" - sabi naman nung isang batang babae.

"Team #7 - passed"

"Pa-ikot pinggan po pag may aalis para po yung sasakyan na sasakyan nung tao pong aalis ay makapag-preno kung may nangyari po!" - sabi naman nung isa.

"Team #1 - passed"

Ngayon ko lang narinig na yun yung dahilan non XD

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!