IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 9

  

Charice POV

Aish. Ang sakit naman ng li---- kod--- Kinidnap nga pala ako kahit wala akong pantubos at di ako bata. Tiningnan ko yung paligid. Wala naman atang tao dito. Ang dilim na pati. Wala din namang tali ang kamay ko.

Tiningnan ko ang oras.. at 6:20 pm na pala @#$% Tumayo ako tapos naglakad lakad.

May narinig ako. Mga boses ng mga lalaki.

Sumilip ako pero di ko sila mga kilala.

*Riiiiiiing* - sabi nung cellphone nung lalaking naninigarilyo.

"Hello? Oh? Oo pre, nasa amin. Oo, yung babae nasamin. Oo, tulog. Magkano ba? San namin dadalhin yon? Malapit sa tulay? San yun?" 

Sa tulay?! Hindi kaya ihuhulog nila ako dun? Teka, mahirap lang naman kami pero nasaan ang hustisya kung ganitong di man lang nila ako pinagmakaawa? (whut, parang magmamakaawa ako ah. Suntukin ko sila eh. Jukk) 

"Ah, magkano ba? Kung kayo na lang kaya pumunta sa lungga namin?" 

Makatakas nga muna dito. Baka patayin ako ng mga hinayupak na to! I'm not worth! I still have dreams. Ansave! Naglakad ako sa isang madilim na iskinita. Ang dilim dito. May nakita akong pinto. Buksan natin ng dahan-dahan----- SARADO =__= 

Sa kabila na lang---- Ayun oh, bukas s'ya! Tsk. Ang dilim naman sa loob eh. Wala naman atang labasan dito eh --- TEKA ANO YON!!!!!!!!! I --- ice --- ICE CREAM?! May hidden treasure pala sa loob ng kwartong ito! Naku, nakikita ko pa yung hanging pumapalibot dun dahil sa lamig! Kakalabas lang ata sa ref! Nilapitan ko agad agad at Vanilla flavor s'ya! May peyborit!

Tiningnan ko muna syempre yung mga gagu kung nasan. Baka kasi isa itong patibong pero mukhang hindi naman dahil wala naman akong naririnig na ingay. Siguro pwede muna ako kumain nito. Tutal, nasa may loob naman ako. Medyo tago! Hoho, solo ko ito!

Buti na lang at may mga kitchen utensils dito ang nakakakita ako ng malinis na kutsara. Sumandok na ako ng ice cream tapos nilagay sa plato. Ang lamiiiiiiiiiiig. Chalap chalap! Feeling ko mauubos ko tong lahat. Ang sarap eh!

  

"Oh asan na?"

  

Napatigil ako O _ O

Parang boses nung Jaki yung narinig ko ah? Sila ang may dahilan ng pag kidnap sa'kin para ihagis ako sa tulay? Pakshet!

Bago pa nila akong makitang nakain nito, ubusin muna natin itong kinakain ko. Sayang kasi kung matutunaw lang!

*c-creakkk* - pinto

Natigilan ako.

- - -

Jaeki's POV

"Anong...............?" 

Uh. Weird ba talaga siya? I mean, ba't siya kumakain ng ice cream? Nakatigil lang siya dun. Tapos mamaya ngumiti na parang nahihiya.

"Hehehehe..." - Charice.

  

Tss. Ang weird nito! Nilapitan ko na siya tapos sumunod naman siya. Iniwan naman niya yung hawak hawak niyang ice cream.

  

"Kung gusto mo ng ice cream, dapat sinasabi mo" - sabi ko.

"Ibibili mo ba ako?" - Charice.

"Tss. Weird. Sakay ka na." - Ako habang binibigay ko sa kanya yung helmet ko.

"San?" - Charice.

"Sa motor." - Ako.

"Di.. san pupunta?" - Charice habang inaayos niya yung helmet ko sa ulo niya.

"Wala ng tanong tanong." - Ako. 

Pinaandar ko na yung motor ko. Pinaandar ko siya ng mabilis pero di naman siya nahawak sa'kin. Mukhang sanay na sanay na siya.

Siguro, 

Siya na nga yata yung hinahanap namin.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!