IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 3

Charice POV

Naguguluhan ako dito. Tumingin ulit ako sa likod. Tumingin naman ako gamit ang cold eyes ko dun sa Gosu. Ang pangit naman ng name na Gosu pero may itsura. Para nga syang familiar eh, kamukha nya yung Daryl Seuk Kang na nasa ID----

"FCK, YOU STOLE MY ID RIGHT?!" - yung gagung Gosu.

Shet, baka isipin ng mga tao dito, stalker ako kung malaman nilang nasa akin nga yung ID nya! Pakshet, patay malisya dapat, patay malisya!

"ID?" - tanong ko with my very convincing patay-malisya-look. 

"WHERE'S MY ID?!" - Gosu.

Nasa, bahay @#$%

Napatingin naman ako dun sa mga gagong apat. Nag tatawanan sila.. yung parang tawang tawa. Teka, pinag didiskitahan yata ako ng mga to eh. Baka gusto nilang ipakita sa mga tao dito na 'stalker' ako para gantihan ako dahil sa ginawa ko dun kay Ji kahapon tapos ayun, ma-bubully ako, tapos magiging outcast ako! Nooooooo

Bigla akong napatingin dun sa left ko. Nakita ko si Bianca. Ganito face niya: O__O

Napatingin naman ako dun sa Gosu. Sya nga ba yung Daryl? Eh bakit kahapon eh anghel sya, pero ngayon, para syang asong ulul? At saka, 

"Psh, ang pangit naman ng Gosu -- parang Gagu"

Wait, parang may nasabi yata akong mali.. @#$%? Bigla kasing tumahimik yung mga tao. Don't tell me.. nasabi ko na naman yung nasa isip ko ng malakas? Etu minsan problema ko eh. Nakakapamula kasi agad ako kaya andami kong haters nung elem :|

Napatingin ulit ako dun sa mga apat pang mga gagu. Lalo silang tumawa. Yung isa, pulang pula na sa kakatawa, yung isa naiiyak, yung isa pinupunas yung mata, yung isa hawak yung bibig at patago pang tumatawa. Aminin nyo, anong ibig sabihin nito?!

"ANO-SABI-MO-NINA?" - yung Gosu.

"Sabi ko----"

Bago ko pa napag patuloy yung sinasabi ko'y nagkagulo. Parang lahat nabigla ah. Tapos yung iba kinikilig, yung iba tuwang tuwa. May naririnig pa akong "ISA PA! ISA PA!"

Ano ba yan. Tutal, kagulo na -- tayo ng -- TUMAKAS >:)

Tumakas na naman ako pero di natakbo. Kase nga, nadulas ako remember? Sabi ko nga kasi, masakit yun eh! At ayun, hanggang pataas na ko ng hagdan, naririnig ko pa rin yung "ISA PA ISA PA", "ONE MORE ONE MORE" at "HANA DEO! HANA DEO!" -- na iisa lamang ang kahulugan. Isa pa daw. Ano bang gusto nilang iulit? Yung pag-arte nung Gosu?

Tumaas na ako. Nakita yata ako ni Bianca kaya sumunod.

"Bianca, ano bang---" - pinutol nya ang tatanungin ko, K.

"OMG, NAGSALITA S'YA NG TAGALOG! ANG GWAPO *O*" - Bianca.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!