IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 6

Charice POV

Sige, ako na ang bobo. Hiya naman daw ako sa pagiging perfect ko last year sa exam sa English nu! At teka lang ha? At nakakapag taka naman? Ba't ako lang yung walang may alam dito? Am I that naive?!

Tss. Parang sila na ang pinakasikat ah. Kung kayamanan, e di sila na! Sila na ngang mayaman! Nag eexist daw ba yun? In their dreams! //evil laugh//

  

Tagal naman ng break. Gutom na ko eh. Aish. Tapos di ako mapakali! Siguro dahil nag iba ang section ko. Class C ako dati eh! Tapos naging Class B. Si Bianca, Class A yan dati tapos naging B.

  

Anyway, talagang sinabi ko na tumaas ako. Sama ko talaga! Nahiya tuloy ako sa mga Valedictorian d'yan! Hi na lang galing sa isang di competitive na mag-aaral. E di ko ma-reach eh ang level niyo eh, sorry naman XD

Pagtingin ko sa likod, nagsasalita na yung pangalawa sa pinakahuli. Ibig sabihin malapit na. . Malapit ng matapos! Kaboring naman kasi yang mga introduction na yan eh. Hello? 3rd year na kami! Kailangan pa ba ng "Meh nem es?*" (*My name is?)

  

"Miss?" - sabi ng teacher namin dun sa pinakahuling girla dun sa may likod.

Di na ko nakinig pa at nalaman ko na lang na nagpaalam na yung guro namin matapos siyang magkwento kung paano daw sya magturo at yung evaluation criteria niya sa mga students. Basta ang naiintindihan ko, papasa ka kung pasa mo ang exam. Bow.

  

Dumating na yung Filipino teacher namin. Lalaki. Tapos ayun, nalaman kong Sir Mark yung name. Ayaw daw niyang ibigay ang kanyang true name. Parang interesado naman ako? Like duh? Bakit ba itatago? Baka siguro ang pangalan nya ay yung katulad nung kay Vice Ganda: Jose Viceral. Pero infairness sa name ni Vice, parang hacienda. XD

Anyway, ayun nga, nag introduce ulit pero this time gamit ang malalim na tagalog. Karumi lang.! Malay ko nun? Magaling ako sa Filipino pero no way, ayokong maging makata at korni!

  

"Ginoo?" - tawag ni Sir.

Buti naman sa kabilang part nag start. Pero nasa unahan pa rin. Tss! Edi malapit din @#$%

  

"Binibini?" - tawag ni Sir. Si Bianca na pala.

  

"Ako ay si Bianca Joyce Gyo. Pinanganak noong Pebrero lima Isang libot...Siyam na daan... Siyam na put Anim." panimula nya sabay hingal. Mahirap talaga magtagalog lalo na pag year.

"Pinanganak ako sa malayooooooooong lugar."

Oo, sabi kasi ni Sir ay lagyan daw ng deskripsyon na tagalog pag magpapakilala. Eh di ayon, ipapahiya lang naman namin ang aming sarili =__=

"Sa Korea ako pinanganak. Ang aking ama ay isang Koreano at ang aking ina ay isang Filipina. Naging masaya ang kanilang pamumuhay at napag diskitahan akong buhayin" - dagdag nya.

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Ang totoo, di naman sya nakakatawa. Pero habang tumatagal at inaanalayze ko kung bakit nakakatawa, PFFT! Boom, natatawa na ako!

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!