IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 5

Charice POV

Habang nakatingin ako sa kawalan at nag-iisip ng maaring sagot, napansin kong nakatingin yung teacher namin -- sa'kin. Sa'kin? Sa'kin na naman? Bakit, anong ginawa ko? @#$% 

"Mister?" - sabi niya.

Ay, akala ko ako yung tinitingnan. Yung nasa likod ko pala. Ang feelingera ko naman! Di na ko lumingon at baka kung ano pa ang mangyari. Naramdaman ko na lang na gumalaw yung nasa likod ko. Nagalaw din pala sya. Akala ko'y bangkay siya eh.

  

Mamaya narinig ko na lang yung bulungan. Inaasahan ko na mag sisigawan -- yung tilian ba? Pero wala't imbis ay mga bulong ang narinig at tumambad sa'kin (naks, tumambad!) 

"I am Jun Su Suhoon."

Paglingon ko, nakita kong kumunot yung noo niya. Naiingayan yata. Pero di naman maingay! Bulungan nga lang yung naririnig ko eh. O.A. lamang po siya. XD

Nakirinig ako ng bulong. Di naman sa'kin binulong pero narinig ko. Lakas talaga ng pandinig ko pero hindi katulad ng kHz ng mga aso.

  

"Naku, kaklase natin yan!" - sabi ng isa.

"Di ba kasama yan sa the 5 Kings? Ayos sana kung si Gosu o si Ji yung kaklase natin. Mga pogi! Pero bakit sya pa? Pero ayos pa rin dahil kaklase natin si Jaeki!"

Kalma lang teh. Ang gulo mo. Ang dami mong binanggit na pangalan eh mga di naman sikat! Tumingin ako sa likod ng di ko namamalayan. Dun kasi galing yung bulong.. tapos dun din nakatayo yun Su-- JunSu? At ayon, baka rinig nya yun nu? At feeling ko nakikichismis ako. Feeling ko ang chismosa ko na! @#$% Curiosity killed the cat lang -- ika-nga.

  

Umupo yung JunSu. Di ko narinig yung dugtong niya (kung meron man). Yun lang ata yung sinabi nya eh. Mamaya -- nakarinig na ko ng tilian ng mga kaklase kong mga babae.

Tumingin ako.

"Yung wafu!" - sabi ni Bianca sa'kin.

Tiningnan ko yung sinasabi nilang "gwapo" DAW. Gwapo? Di naman! Para naman syang tambay eh. Ano ba ang kahulugan nila ng gwapo? Mukhang tambay?

"Ako si Jaeki." - ngumiti s'ya at lalong nagtilian yung mga babae.

Nakakunot naman yung noo si Ma'am Marquez na mukhang hindi maintindihan kung bakit nagtitilian yung mga babae. Sabagay, si Ma'am ay 41 years old na LOL.

"The 3rd King" - tuloy niya sabay kaway sa mga babaeng tumitili sa kanya. 

3rd King? Mayaman s'ya? King sya? May King sa Pilipins? WEH? Di nga? Yung totoo?

  

Kinulbit ko si Bianca. Tumingin naman s'ya sa'kin.

"Bianca..." - panimula ko ng mahina at dahan-dahan kong bulong. 

"Ano yung the 5 Kings na tinutukoy nila?" - tuloy ko.

.

.

.

Nanlaki yung mata niya. And here comessssssss troubleeee!

"SERIOUSLY? DI MO ALAM YUN?! GRABE KA NAMAN!" sabi niya este SIGAW nya. SIGAW TALAGA. Tss. Motto yata nito eh: "I-CAPS LOCK PARA INTENSE!"

  

Biglang nagtinginan yung mga kaklase namin sa'min. Nakita ko na nabigla rin si Bianca sa ginawa nyang pagsigaw nya. Eh s'ya eh, O.A.! :p

Tumingin si Bianca kay Ma'am sabay ngiti. Yung ngiting sorry-po-di-ko-po-sinasadya-hehe! ngiti. Biglang tumango yung teacher namin at tumingin ulit kay Ja... sino nga yun? Ja.. Ay malay ko! Like I care! Oh~ eo eo~ oh oh oh~ eo eo!* (tune: SNSD - IGAB)

  

Mamaya tumingin sa'kin si Bianca. Lumapit sa tenga ko.

"Mamayang recess..." panimula nya habang palayo na sa tenga ko. 

"Ikwekwento ko sa'yo ang the 5 Kings!" tuloy niya sabay ngiti.

Ngiting may kasamang kilig. Ano naman daw kaya yun? Na-curious tuloy ako dahil sa reaksyon ni Bianca. Kasi naman -- sumigaw s'ya kanina! SUMIGAW ha at NGUMITI pa! Anooo naman daw yun?

Napatingin ako dun sa... ACK! (*ACK - crack sound ng voice) Nakatingin sa'kin ng masama yung JA... @#$% Ano nga ba yun?! Jaki ata?!

May nasabi ba kong masama?

Ito ba yung nasa BOF? (*BOF - Boys Over Flowers)

Ano ba yun? Di ko gets! Red card na ba itey?! 

Galit ba s'ya? Bakit naman? Kasi di ko sila kilala? Sensya naman! Wala akong pakialam sa kanila eh! Pero nakatingin lang ako sa kanya gamit ang malamig kong mga mata. Pinagmasdan ko yung tingin niya't nabasa ko yun. Ang tingin nya ay : Seriously,-Di-mo-kami-kilala? look.

Kalma lang mga koya!

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!