IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 11 - Pt. 1

"HUY!!!" - bigla ni Bianca sa'kin.

Charice POV.

"A-AH-AHH?! Umuwi ka na rin sa wakas" - sabi ko sa kanya sabay tayo.

"Opo, kanina pa po! Ikaw nga po, kanina ko pa pong tinatawag pero nakatulala ka po" - Bianca sabay roll ng eyes.

Umupo s'ya sa kama n'ya malapit sa'kin, "So, ano, game? Tara na? Bihis na tayo?" - Bianca.

"Ok, wait" - sabi ko sabay kuha ng phone ko sa kama at tinawagan ulit si Gosu. Hindi kasi s'ya sumagot kanina so tinatawagan ko ulit. Tinatawagan ko s'ya kasi naiwan n'ya yung 'panyo' n'ya sa'kin (which is somehow.. maliit na bagay para alalahanin pero I need reasons to make a call right?) Pero dahil hindi n'ya nasasagot ulit yung tawag ko, tinigilan ko na. Baka kasi busy s'ya.

Tumayo na ako at nagbihis na. "Di na kasya itong jacket ko, so.. bumili ako ng bago. Nagpatatak na rin ako nung dati nating logo" - Bianca sabay bigay sa'kin ng isa ding jacket na puti, "Ibinili rin kita at pinatatak ko na rin. Suotin mo na"

Sinuot ko yung binigay n'yang jacket. "Tanda mo pa ba yung ginagawa mong ayos sa'kin?" - tanong ko sa kanya. Nakita ko namang lumapit s'ya sa closet n'ya at may kinuha sa cabinet na bag, "Tada! Of course, magiging Ice Princess ka ulit, ako naman si Black Death" - sabi pa n'ya habang pinapakita ang mga eyeliners at makeup.

Nasabi ko bang, through make-up, nagiging gangster kami?

Matapos ang isang oras at kalahati, tapos na n'ya akong ayusan. Tiningnan ko naman agad yung salamin para alamin kung hindi ako makikilala. "Tayo lang ba ang pupunta dun? Sina Zander? Pupunta?" - tanong ko habang inaayos yung pilik-mata ko.

"Hm? Siguro? Ka-gang naman natin sila so.. siguro" - sagot n'ya habang nagmamakeup sa sarili n'ya. "Sure ka bang may AIDS si boss?" - tanong ko. "Yep, yun yung sabi nung co-gangster n'ya sa'kin?"

Tiningnan ko s'ya, "Sa'yo? Paano ka nakilala? Pumunta kang UB ng naka-makeup or what?" - tanong ko. Napakamot s'ya ng ulo, "As far as I remember, bumisita ako sa UB pero.. di ako naka-makeup?"

Katahimikan.

"Paano ka nakilala?" - tanong ko.

"E-ewan ko?" - napansin kong naguluhan din s'ya.

"Pero bakita kilala n'ya si boss?" - tanong ko.

"Ewan? Argh, pinagugulo mo naman isip ko eh! Hindi ko tanda! Mehehe! Uminom kasi ako pero hep! Konti lang! Si Ji kasi.." - Bianca.

"Si Ji?" - Ako.

"Si Ji.. Oo.. si Ji.. na-kwento ko ba sa'yong sinabi n'ya sa'kin na manliligaw s'ya sa'kin? Pero kung hindi pa ako pupunta sa UB, hindi ko pa makikitang meron s'yang babae!!! Kainis! May girlfriend s'yang gangster!" - Bianca.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!