IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 9 - Pt. 5

"Tagal mag 5!" - reklamo ko nung makita kong 2PM pa lang.

Charice POV.

"Sana matagal pa mag 5" - Gosu.

Tiningnan ko sya habang sya ay nakatingin sa'kin habang naka ^___^

Tumingin na lang ulit ako sa ibang lugar at pinagmasdan pa yung mga batang naglalaro. Si Hee kasi ay andun rin at naglalar---

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" 

Napatayo kaming parehas ni Gosu mula sa bench. Umiiyak yung anak namin?! Uh.. anak.. namin???

"Ba-kit na-iyak si ba-by?" - Gosu sabay upo malapit kay Hee.

Umiiyak pa rin yung bata. Nakaupo siya sa damuhan. Nakapalibot naman yung mga kalaro nya kanina sa kanya.

"Nadapa po si Chan Hee!" - ulat nung isang batang babae.

"Tinulak po niya!!!" - dagdag pa nya sabay turo dun sa batang lalaking nakatungo.

"Hindi ko naman po sinasadya eh" sabi naman nung bata.

Binuhat ni Gosu si Hee. Yumakap naman si Hee kay Gosu habang tuloy ang iyak. Nakatingin naman sa'kin si Gosu na ngiting-ngiti na parang asu. Bakit sya tuwang-tuwa? =__=

"KANG CHAN HEE!" - ???

Napatingin kaming parehas ni Gosu kung saan galing yung boses at nakita namin si Bianca na gulo yung buhok habang nasa balikat nya yung isang batang babae. Ibinaba ni Bianca yung bata habang nalapit sa'min na parang Sadako ang peys LOL. Nakita ko namang tumingin si Hee dun sa babae habang pinapahid yung iyak.

"Umiiyak ka na naman?! Bakla ka talaga!" - sabi pa nung babaeng bata nung makalapit sa'min.

Umiyak lalo si Hee.

"Bianca! Bawiin mo yon! In a count of 3!" - Bianca.

"No way!" - sabi naman nung bata

"Ba't napaka warfreak ni Baby Bianca T__T" - Bianca habang nalapit sa'kin.

"Mana sa'yo" - sabi ko naman.

"Tse!" - sabi nya naman sabay lapit ulit dun sa bata.

"Bianca, you should not say that okay??" - Bianca.

"Umiiyak sya mommy eh! Di ba mommy, pag lalaki umiiyak, bading?" - yung bata.

"No! Bianca, say sorry!" - Bianca.

"No."

"Crush mo siya no?" - medyo mahina kong sabi.

Nakita kong tumaray yung mukha nung Bata na kulang na lang ay tumaas ang isang kilay (pero di nya pa maitataas kasi mukhang di pa marunong). 

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!