IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 5 - Pt. 2

Bianca's POV.

Ok, di ako makapag concentrate! Grabe tong dress ko e! Bakit kasi nasira pa?! Ganun ba ko katabaa? Di naman ah!

Ay, ako na pala!!! Ok, chin up -- mga pinag aralan, tandaan >__<

"I'm Bianca Joyce Gyo, from III Class B!" - Ako sabay ngiti.

- - -

Charice POV

Habang hinihintay yung turn ko, pinagmamasdan ko yung sahig. Oo, yung sahig :|

Pagtingin ko naman sa kanan, nakatingin na yung iba sa'kin. Oh shet, ako na?!

Mukha nga...

"I'm Charice Eliza Mendoza *ngiti* III-B" - sabi ko. Ice mode pero ngumiti. Ansave?!

Di ko na tiningnan yung mga tingin o reaksyon ng mga tao. Ang liwanag sa stage eh. Ni di ko nga makita yung mga nanunuod.. pero nakita ko si ano, si Gosu na titig na titig sa'kin habang napapatawang parang natatae yung Ji @#$%

"Thank you ladies!" - yung lalaking host. 

Pumunta na kami sa backstage ulit. Wag daw munang aalis kasi rarampa pa daw ULIT sa stage.

"Can we call all the candidates to go to the stage?" - sabi nung lalaking host.

So, ayun, pumila ulit kami. Ako huli. May parang mga kahoy dun. Tatapak/Sasalta(?) ka dun para makita ka. Parang hagdan. So, ako yung nasa pinaka taas at yung number 1 to 5 yung nasa pinaka-baba. Buti na lang, kasi medyo masakit talaga ulo ko!

"So now, we're going to announce the final 5 for the Q&A portion! Are you all excited?!" - tanong nung babaeng host.

Kung binibilisan mo na lang, ano?

"This is not arranged in any order so.. the final 5 are:"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Cha, ano daw oras ng resume? Call mo ako ah, palit lang ako ng mabilis na mabilis!" - Bianca.

"Oks" - sagot ko.

"Waaaaa bakit ganuuuun huhuhuhu" - Layzzah.

"Akala ko.. akala ko.. waaaaa!!! Di man lang ako nakasama sa final 5!!! Huhuhu" - dagdag nya.

"Hoy, di ka nag iisa neng" - Kimberly.

"Damay damay tayo! Sawi-hug nga dyan!!!" - Prances.

Mga ewan o.

Nakaupo lang ako't pinapanood sila na parang timang* (ewan*). 

"Cha!!! Goodluck ah! Picture-an mo yung bahay ah! Ipapadala ko sa'yo yung bago kong iPad!" - Kimberly.

"Pinagmalaki talaga! Kaw na!" - Layzzah.

"Goodluck sa inyo ni Biancaaaaa huhuhu" - Prances na nagluluksa pa rin.

Ba't nga ba ako nakasama sa final 5?! @#$%

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!