IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 11 - Pt. 7

"....." - tahimik ako at sobrang focus sa ginagawa ko ng pumasok si Honey sa kwarto ko.

Daryl's POV. 

"Sis, ayos lang?" - Ako sabay turo sa ulo ko.

"PWAHAHAHAHAHA!" - sagot naman nya =__= 

"Bakit?! Pangit?!" - tanong ko.

"Ayos naman ah?" - dagdag ko pa.

"PWAHAHAHAHAHA!" - at tumawa pa ulit s'ya @#$%!

"Tch, bumalik ka na nga sa Harvard mo!" - inis kong sabi.

"Para kang nakuryente! XD" - sabi pa n'ya kaya natigilan ako sa pag-gulo ng buhok ko.

"Whatever." - sabi ko na lang. Ganun din yung sinabi sa'kin ni Anae--- este.. 'Seatmate' sa'kin noon.

Psh.. 'Seatmate' na lang ba ang tawagan namin?! Pero.. yun yung tinawag n'ya sa'kin.. nakakainis!

"Ano bang plano mo?" - tanong nya pa sa'kin sabay tawa.

"Magpapapogi ka para isipin n'ya na sayang at pinakawalan ka pa n'ya?" - dagdag pa n'ya.

Tumahimik na lang ako. Eh.. ganon nga eh..

Lumapit s'ya sa'kin. "Don't worry brother.." - sabi n'ya pa sa'kin sabay ngiti. May napansin naman ako sa mga mata n'ya.

"May problema ka ba?" - tanong ko.

Hindi s'ya nagsalita pero nawala yung ngiti n'ya at nakita ko na ang mukha n'yang malungkot. "I'm sure.. magagalit sila sa'kin" - sabi pa n'ya. Kumunot naman ang noo ko kasi hindi ko maintindihan. Mamaya ay naramdaman ko na lang na s'ya yung nag aayos ng buhok ko, "I didn't pass my midterms.. nagpabaya ako eh. Akala ko kasi sisiw lang.. kaya little brother.. you should do your best in everything ok?" - sabi n'ya.

Mukhang.. nahirapan s'ya sa Harvard at umuwi muna.. "Psh.. matagal ng proud sa'yo sina Ma at Pa" - sabi ko sa kanya. "To achieve the greatest success, you have to embrace the prospect of failure." - dagdag ko kaya napangiti s'ya, "You're the best, little brother! Thanks!" - sabi n'ya.

- - -

Charice POV.

Pumasok na ako ng classroom. As usual, maingay ang lahat. Pagkaupo ko ay nakita kong lumapit sa'kin si Bianca at umupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ko (yung upuan ni Gosu dahil wala pa s'ya) at, "Uy, totoo bang wala na kayo ni Gosu?" - bulong ni Bianca sa'kin.

Humalumbaba ako at tumingin sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Naging kami ba?" - tanong ko sa kanya kaya napatahimik s'ya. "Psh, nagtatanong lang eh.." - sabi pa n'ya habang nakanguso.

Napatigil naman ang lahat nung pumasok sa room si Gosu. I mean, si Seatmate. Syempre, lagi namang ganun.. pag pumapasok s'ya, titigil ang lahat sa ginagawa nila. Napansin ko naman yung buhok n'ya, wala namang pinagbago.. yata..

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!