For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 10 - Pt. 6

Charice POV.

9:30 PM na at wala pa rin si Bianca sa kwarto n'ya! Tss, kung san na naman siguro yun tumambay!  Kung di ko lang siguro nakalimutan yung-- yung susi ng bahay eh... Anyway, kinuha ko yung phone ko kase nabobored na ko sa panunuod ng TV. Mas marami pa ang commercial eh kaya papatayin ko na lang s'ya!

At sa paghawak ko sa phone ko, natandaan ko tuloy yung sinabi nung Mining yun +__+

Tawagan ko kaya?

Nung tumawag ako, isang ring palang, sumagot na sya. "Anae ko?"

"Mmm." - sabi ko. "Anung ginagawa mo?" - tanong ko sabay higa sa kama ni Bianca.

"Ah.. Uh.. Ba't ka napatawag? Namiss mo ko?" tanong n'ya.

"De, bored lang." - sagot ko naman.

"Ganun?" - Gosu na nasa kabilang linya.

"Mmm." - sabi ko naman.

Kinuha ko yung itim na star na unan ni Bianca, "Hmm, Gosu.."

"Hmm?" - Gosu (sa kabilang linya)

"Ano.. Busy ka daw?" - tanong ko.

"Ha? Sino---"

"Si Mini. Yung naging ka MU mo" - agad kong sabi.

"Hah?"

"Tumawag ako kanina eh" - pagsusumbong ko.

Heh, mas malakas ata ako kaysa kay Mini pagdating kay Gosu :p 

"That's not---"

"I know" - agad kong sabi.

Pagkatapos nun, medyo wala na akong masabi. Feeling ko sya rin. Napapapikit na ako dahil katahimmikan pero di ko masabing i-eend ko na yung call... Siguro, ayos na sa'kin na ganito,

"Anae.." - narinig kong tawag n'ya mula sa kabilang linya.

"Mmm?" - sabi ko naman.

"Anong ginagawa mo ngayon?" - tanong nya matapos ang 1 minute na walang imikan.

"Wala. Nandito ako sa kwarto ni Bianca... nagpapahinga" - sagot ko.

Tumayo ako at binuksan ko ulit yung TV. "Nanunuod ka?" tanong n'ya. "Mmm." - sagot ko naman. Narinig nya siguro yung pagbukas ko ng TV. 

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom mula doon. Syempre hawak ko pa rin yung phone kahit hindi s'ya nagsasalita. Matapos kong uminom, bumalik na ko sa kwarto. Mukhang di pa din sya nakakagawa ng topic.

"Gosu.." - panimula ko.

"Hmm..?" - mahina n'yang sagot.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!