IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 4 - Pt. 2

"Prrrrrrrrrrrrrrrrt!!!" - yung pito (na tanging sandatang dala) ni Manong Guard namin.

Charice POV

Psh! Bago kami nakapunta ni Angelli sa gym, pinabalik na kami sa room. Di ko nga nalaman yung dahilan kung bakit may suntukang naganap dun eh. Sayanag naman!

Pumunta na kami sa CR para magpalit ulit (nakapam-PE pa kami eh).  Pagkatapos naming magbihis, bumalik na kami sa room. Umupo na kami at ayun, pumasok na si Ma'am sa room.

Sabi niya, si Ms. Secretary daw namin eh may isusulat. At, kokopyahin daw namin. Kasi may meeting daw sila. O di ba, ansabe ng syllabus nya?

Aish. Katamad kaya magsulat! Wala sa mood! Ipapa-xerox ko na lang yung sulat ni Bianca. Di pa mababawasan ang tinta ng napakamamahalin kong ballpen (HBW).

"Uy cha, alam mo ba nangyari kanina?" - tanong ni Bianca sabay lapit sa'kin.

"Di. Pero bago yun, nasan ka kanina?" - Ako na imbestigador.

"Ah.. hinanap si Ji :3" - Bianca na may pagpapa-cute pa.

Nagpatuloy na s'yang magsulat. Hinayaan ko lang s'ya dahil tatamarin yan pag nalaman nyang ipapa-xerox ko lang notebook nya. Mwehehe *u* 

"Uy! Nanuntok si Gosu kanina!" - biglang sabi ni Bianca kahit di ko tinatanong.

Tiningnan ko lang s'ya.

Like I care?

"At alam mo yung dahilan?" - tanong pa n'ya.

Seriously, like I care?!

Mamaya, biglang pumasok sina Jaeki at JunSu kasama si Jerry -- isa sa mga naglaro ng basketball kanina. Napansin naming medyo paga (swollen) yung kanang pisngi n'ya.

"Sorry man!" - Jaeki sabay tapik sa balikat nung Jerry sabay upo na sa likod.

American o British accent lang ang peg?

Naglapitan yung mga babae kay Jerry at tinanong yung nangyare. So dahil nga napapadalas na ang pagchika ko, nakikinig ako ng pa-simple. Nalaman ko kasing ang boring ng buhay pag walang chismis!

"Anong nangyari?" - tanong nung isa kong kaklase na kaka-rebond lang.

"Sinuntok ka ni Gosu? Bakit?!" - tanong nung isa.

"E kase si RJ e, tinulak ako! Malay ko bang ma-o-out of balance ako!" - Jerry.

"E? Tapos?" - kaklase kong may salamin.

Mahina ako sa names kaya pagpasensyahan niyo. Imagine-in n'yo na lang at baka malaman n'yong isa pala kayo sa tinutukoy ko. Charewt

"Ayun, nadulas ako! E nainom ako ng tubig non" - Jerry.

"Tapos?" - Rica, vice president namin.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!