IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 7

  

Charice POV

Nag discuss na yung teacher namin. Diniscuss niya yung writer. Maganda naman yung childhood days niya ba't ba may activity activity pa? Wala sigurong ma-i-activity. O baka ayaw kaming biglain tutal nasa first week palang kami ng classes?

Habang nagkwekwento s'ya, nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan @#$% Omo, kailangan ko ng umihi! Bakit ngayon pa kung kelan wala ng susunod na lunch o break?! 

Humanap muna ako ng tyempo. Syempre kailangan yun. Saktong nagpapakopya si Ma'am tapos naghintay muna ako ng mga 3 minutes tapos tumayo na. 

"Ma'am may I go out?" - sabi ko kay Ma'am ng mahina.

"Oh sure." - Ma'am. 

Nakita ko naman na sinundan ako ng tingin ni Bianca. Nagtataka siguro. Lumabas na ako at diretso agad sa CR. Dapat mabilis lang baka isipin nung iba, tumatae ako eh. LOL, e di naman!

Mamaya narinig ko.... may narinig ako... chismis! 

"Di talaga ako naniniwala dun kay Maria." - sabi ng isang babaeng maarte mag salita *yata*

"Ako din. Feeling ko di s'ya yung hinahanap ni Gosu." - sabi ng mala-DJ ang boses.

 "Pano naman kasi di ba? Feeling ko niresearch niya!"

Research? Ang advanced naman ni teh. Sa 4th Grading pa ang mga research ah XD

"Paano kung s'ya nga?" - tanong nung isang bagong boses (baka kasamahan din nila)

"Ewan ko na lang. Siguro, pabayae na lang.. tutal.. first love nevah dies."

Pfft, ano naman daw motto yun? Nakakasukang nakakasura.

Narinig ko na sinarado na ata nila yung pinto. Ibig sabihin, umalis na sila. Ano bang malaking issue kung si Maria nga yung hinahanap nung Gosu? Enebenemeyen, nekekeleke mge tee dete 

Lumabas ako at inayos ko muna yung buhok ko sa salamin.. Makalabas na nga! 

Ow. Si Jaeki? Ba't nasa labas ng babaeng CR na pinto? Girl sya? Baka katulad ito nung nasa Hana Kimi? Shet! Hari'y Prinsesa pala? LOL Pwedeng title yun ng story ah. XD Anyway, sorry s'ya nakita ko ang sekreto niya. Hah! Yayaman ako sa pag-blablackmail neto! 

"Don't think of me as a gay or whatever" - Jaeki.

Nakatingin lang ako sa kanya. Awts sayang, big hot news pa naman sana yun kung ganun! Nasa headline pa ako tapos baka malaking pera makukuha ko nun! (yun nga lang, pangit camera ng phone ko para sa 'proof') Pero, ano ba kailangan nito? O baka naman wala s'yang kailangan? Makaalis na---- hinila niya yung braso ko.

"Pwede bang sumama ka sa'min mamayang dismissal?" - Jaeki.

Kahapon pa to ah. Dumali na naman siya! Makasama na nga para tumigil na to. Tutal na cucurious na rin ako kung ano bang kailangan nila't ginugulo nila ang aking tahimik na buhay. 

Tumingin ako sa kanya. "K." - sabi ko sabay alis.

Bumalik na ako ng classroom. Tiningnan ako ni Bianca. Worried? 

"Meron ka ngayon?" - tanong ni Bianca na seryosong seryoso = . = 

"Gaga =__=" - Ako. 

Sabihan ba naman ako na meron ako? Yung what-girls-have-every-month thingy?! Eh di pa nga nadating yung akin kahit na kailan eii. Sabi kasi ni Mama, delayed s'ya nun so baka ako rin daw. Okeyss, normal naman daw yon :p

"Nasan na si Ma'am?" - tanong ko.

"Umalis na. Sunod na si Sir.. tapos labasan na! Wohooo" - sagot nya. 

"Tara mamaya sa mall ah! May bibilhin ako! Libre pa kita! - dagdag nya. 

"May curfew ako" - dahilan ko.

"Curfew? Ngayon ko lang narinig na may ganyan ng batas sa bahay nyo ah?" - Bianca.

"Mamaya, bawal muna mag pagabi." - Ako.

Ngumuso lang s'ya. Awtsu, churi! 

"Aww, sige. Bukas na lang ^__^" - Bianca. 

Kainis naman!. Nakapag sinungaling pa ng di oras! Kung ito, malalaman ko na walang kwenta, lagot sila sakin! May high kick silang matatanggap mula sa'kin! Pero syempre, no, di ko yun gagawin. Bawal eh.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!