IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 5

  

Charice POV

Tapos na ang break. Pumasok na kami sa room. Umupo sa may upuan namin. Wala pala dito yung dalwang hari. Nag cut ata. Tapos mamaya pumasok na yung teacher namin. Kasama yung dalwang hari.

"Good Morning Class."

"Good Morning Ma'am Delos Reyes." sabi namin tapos umupo na yung dalwang hari.

Mga Epalogs.

"Today, meron tayong two transferees." - sabay ngiti.

  

Nagkagulo. Syempre, baka daw gwapong mga lalake. 

"Mga Iha, pasok na" - sabi ni Ma'am.

Biglang tumahimik yung klase kasi nga 'Iha' daw -- meaning mga babae. 

"Hello! I'm Maria Charice Anne Ramos." - sabi niya sabay ngiti.

"Hi *sabay bow* ako po si Nikka Jung Hwa." - sabi niya na medyo parang kinakabahan.

Ngiting ngiti naman yung Maria Charice. Yung Nikka naman, sunod lang dun kay Maria. Umupo na sila sa may malapit sa amin -- sa may unahan namin. Wala kasing nakaupo dun. Lahat takot sa teacher. Tumingin sa'min yung Maria tapos kumaway sabay ngiti sa'min. Ngumiti naman si Bianca.

Feeling close lang ang peg dahil malapit kami sa kanila? Ganon?

"Oy. Maria Charice." - JunSu.

Tumingin yung Maria Charice. Halata naman yung kakaibang ngiti nya. "Bakit?"

"Korean kasama mo?" - JunSu.

"Half" sabi nung Nikka na medyo nakatingin kay Maria. Tumango lang yung Maria Charice.

Tapos nag nap na naman yung JunSu. Antukin talaga! Tulugan daw ba lahat ng klase? Mamaya  ay nag start na yung klase. Maria na nga lang pala itatawag ko sa kanya kasi ako lang ang Charice dito dapat. LOL. Bitter.

"Good bye and thank you Ma'am Delos Reyes." - sabi namin nung mag time na. 

"May you have your lunch break." - sabi ni Ma'am na sumunod kay Ma'am Delos Reyes.

"Good bye and Thank you Ma'am Feliciano." - sabi naman namin. 

Pumunta na kami sa canteen tapos nakita namin na nagkakagulo dun sa may canteen? Tapos kakanina eh nasa canteen kami tapos nasa canteen na naman kami. XD

"Ano yun?" - Bianca.

Nakatingin lang ako sa kanya na as if I care kung ano yung nangyayare.

  

"SI GOSU, OMG!" 

Napa echos na rin ako sa nangyayare pero nauna na si Bianca. Sa dami ng tao, di na ko sumingit. Bahala na si Bianca. Sya na ang magsabi sa'kin kung ano yung nangyari. Lels. 

"Charice?"

Tumingin ako sa likod ko.

"Oh? Gian?" - sabi ko.

Ngumiti siya sabay sabi ng "Musta na?" Nagkakagulo yung mga tao dun pero heto kami, panay ang kwento.

Si Gian Sky Cantos nga pala ang name niya. Isa sa mga limited friends ko since first year.

"Nag transfer ka ulit?" - tanong ko.

"Yep, di nga kita nakikita. Akala ko nga baka nag transfer ka." - Gian.

First year ko s'ya naging kaklase at my first friend maliban kay Bianca. Matalino nga pala yan sa Math! Kaya nga medyo naintindihan ko ang Math nung First year eh. Yun nga lang, di ko na sya na-gets nung 2nd year.

"Bakit ka nag transfer ulit?" - Ako

"Wala lang! Namiss ko lang tong school!" sabi niya sabay ngiti.

  

Nakatitig lang ako sa kanya tapos ngumiti na lang s'ya bigla.

  

"Anong nangyayari dun? Ba't nagkakagulo yung iba?" tanong niya.

"May pekeng mga hari kasi" - sagot ko.

"Mga pekeng hari?" - Gian.

  

"OWWWWW?! GIAAAAAN!!!" - Bianca na mukhang nakasagap na ng balita.

"Oh? Bianca? Musta?" - Gian.

"Ayus lang! Maganda pa rin! Charewt!" - Bianca.

"Anong nangyayare dun?" - tanong ko kay Bianca.

"Yung transferee natin, baka daw s'ya yung babae na hinahanap ni Gosu!" - Bianca.

Oh talaga

"Tapos yung kasama niya, friend pala niya kaya baka daw naman s'ya yung crush ni Ji dahil Koreana!" - Bianca.

"Pa'no naman nila nasabi?" - Ako.

"Baka naniniwala sila sa fate o destiny." sabi niya sabay tawa.

"Bat tawa ka ng tawa?" - tanong ko.

Tumigil s'ya sa pagtawa at tumingin sa'kin. Napansin ko na may parang namumuong tubig sa kanyang gilid ng mata.

"Anong.. nangyari?" - tanong ko. Parang naiiyak s'ya na ewan?

"Wala lang.. nakakatuwa lang na tunay pala ang mga destiny.." - Bianca

  

Nasasaktan ba s'ya dahil yung Ji na sinasabi nyang crush nya eh baka magkaron na ng syota? Pinat (pat) ko na lang yung shoulders niya tutal di ako masyadong maalam sa pag cocomfort . 

"Bianca, pa'no pag di yung Nikka yung babae di ba? At kahit s'ya pa man yun, malay mo, yung "love" na sinasabi nila dati ay nawala na, tama?" sabi ko. Feeling ko naman expert ako!

"At, di pa naman sila di ba?" - dagdag ko pa.

Tumawa lang s'ya. "O sya, kain na tayo. O Gian, sabay ka na sa'min." - Bianca.

"Naku, hindi na. May itatanong lang sana ako kay Charice" - Gian.

"Sa'kin? Ano yun?" - Ako.

.

.

.

"Kung pwede bang manligaw?" - Gian.

"Ah?" - Kami ni Bianca.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!