Hindi siya nagsalita hanggang sa narinig ko nalang ang pagkaputol ng tawag. Mahina akong tumawa habang binabalik ang cellphone sa nightstand. How I would like to see Antonia's face right now.

Nagtungo ako sa dresser ni Rouge upang maghanap ng masusuot. Pagbukas ko palang ay sumuot na sa 'kin ang bango niya. His natural manly scent and his perfume blended altogether.

Kinuha ko ang napusuan na gray shirt doon na may tatak na 'Boston University'. It smelled good at sumang-ayon ang balat ko sa kalambutan ng tela nito.

Pinulot ko ang mga damit naming nagkalat sa sahig. Nilagay ko sila sa hamper, kasali na rin ang dress ko kagabi. Wala na 'yong silbi sa 'kin dahil punit na, at ayaw ko ring idispatsa 'yon. I want that ripped dress of mine to be a reminder to him from me. Isang memorabilia kumbaga.

Sinali ko na rin ang lace panty kong nasa sala. I'm not sure kung may nakakagawa na nito sa kanya, but I want to be the first and only one.

Binuhat ko si Rory na kanina pa nakasunod. Pagkatapos ilagay lahat ng mga damit sa hamper ay lalabas na sana ako nang mapahinto sa panibagong text. Titignan ko sana 'yon, baka si Antonia na naman ngunit tumunog ang lock ng pinto sa banyo. Lumabas nalang ako ng kwarto.

Nakasandal ako sa counter, hinahaplos si Rory habang naghihintay na kumulo ang tubig. Nakatunghay akong nag-iisip kung si Antonia ba ang nag-text at ano ang nilalaman ng mensahe. Kung sinadya niya ba upang makita ko o baka this time alam na niyang si Rouge ang unang makakabasa.

Nawawala na ang epekto sa 'kin ng nangyari sa amin dahil sa umiiral na pangangamba. But what can I do? I'm in love with the man already!

I guess it's true that feelings make people weak. Depende lang kung paano ka magpapaapekto. If you're strong enough, then you won't let that betrayal eat you. That's what I'm doing. I won't be a slave of pain. I won't be its prey.

Oo ayos lang ang maging mahina pero kung hahayaan mong kainin ka nito, you will just lose yourself. I'm not letting that happen to me. Weakness and pain should be the things that need to get lost. Not me.

Rinig ko ang mga hakbang ni Rouge at alam kong nakabihis na siya dahil sa bango niyang umuusok hanggang dito sa kusina. Masiglang gumalaw ang mga paa ni Rory na parang di siya makapaghintay na lumangoy.  Binaba ko siya at agad niyang pinuntahan ang amo.

"Lory?" tawag ni Rouge habang bumababa sa hagdan.

"Kitchen!" ani ko.

Kinuha ko ang kettle galing sa stove nang tumili na ito. Binuhos ko ang mainit na tubig sa carafe ng coffee maker. I pulled the lid plunger saka nilingon si Rouge na nakatayo na sa bukana. Nilakbay niya ang mga mata sa kabuuan ko.

"Sorry, I stole your shirt," ani ko.

Mukhang pinulot ni Rouge ang unang nakitang shirt. Is he in a hurry? Yet in all its simplicity, his white shirt and faded jeans made no difference to stain his gorgeousness. Kahit garbage bag pa ang isuot niya, he could still rock it like a god.

Pumihit ako at nagsalin ng kape sa white mug na palagi niyang ginagamit. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya bago pa siya tuluyang makalapit sa 'kin. Tinaas niya ang shirt saka pinasok ang kamay niya't pumulupot sa 'king baywang.

His sensual touch almost undid me. Napasandal ako sa kanyang dibdib kasabay ang paglapat ng haplos niya sa tiyan ko.

"What's mine is yours, so I don't mind if you wear all my clothes." Magaspang ang boses niyang bumulong sa tenga ko. I felt him smell and kiss my hair.

Malalim akong humugot ng hangin animo'y doon ko mahihila ang kailangan kong disiplina sa sarili.

"Coffee?" lahad ko ng mug sa kanya.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin