[56.2] Ewan

406K 9.1K 2.6K
                                    

A/N: Inupdate ko na ito kasi baka makalimutan ko >.< Forgetful p naman ako lol... This is the continuation of last night's update. HUWAG BASAHIN KUNG AYAW SA KUDAK/KAYESTIN~! Kindly read my author's note at the end of this chapter.

[55.2] EWAN

NATHAN'S POV

Hindi ko na alam kung anong nagtulak sa akin para sundan si Kaye Anne papuntang restroom. Hindi ko na kasi matiis eh. Basta, ayun... Nakita ko nalang ang sarili kong binabantayan ang paglabas niya mula sa loob ng restroom. Nang bumukas ang pinto nito ay nakita ko kaagad si Kaye Anne kaya naman hinawakan ko kaagad siya sa kanang kamay niya.

"Kailangan na nating mag-usap ngayon, Kaye Anne. Sumama ka sa akin!" Medyo malakas yung pagkakasabi ko sa kanya nun kasi hanggang dito umaabot pa rin ang lakas ng party music. Hinatak ko kaagad siya sa kung saan. Mas madali kaming makakalabas kung sa likuran kami lalabas kaya naman dun kami sa fire exit sumibat.

"Nathan, ano ba!!!"

Hindi ko pinansin ang pagpupumiglas niya sa hawak ko. Mukha ba akong kidnapper ngayong gabi? Okay lang, wala naman akong gagawing masama sa kanya eh. Gusto ko lang siya itakas ngayon at solohin para wala ng eepal na g*go. Lagi nalang kasi panira sa eksena eh. Extra lang naman siya dito sa istorya namin ni Kaye Anne =________=

"Nathan! Saan mo ba ako dadalhin?! Hahanapin ako ni Austin eh!" Alam kong naiirita siya sa akin pero hindi ko pinansin ang pagngawa niya. Basta hinila ko lang siya papuntang parking lot. We have to get out of here as fast as I can.

"Ay, yung sapatos ko!!!" Hinila-hila niya ang kamay ko ng malakas kaya huminto kami sa paglakad. Dahil sa frustration ko, sinimangutan ko na siya. "Nathan, yung isa pares ng sapatos ko naiwan!"

"Hayaan mo na yun! Tara na..."

Kaladkad kung kaladkad. Sorry pero nagmamadali lang. Pinasakay ko na agad siya sa passenger's seat at syempre, ako naman sa driver's seat. Ako na ang nagsuot ng seatbelt sa kanya pati sa akin. And then I speed away just to get out of that darn place.

I'm seriously focusing my sight on the road. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Takte! Pinagpapawisan pa ako ng malamig sa noo ko. Nanginginig din ang kamay ko habang nagdadrive. Pucha! Ang tahimik! Hindi ko kaya. ~________________~

"N-Nathan, ano bang pumasok dyan sa isip mo at tinangay mo ako? Baka hanapin ako dun..." Sumulyap ako sa kanya sa rear view mirror. Halata ngang nangangamba siya. Tss...

"May sasabihin ako sayo..."

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na agad para makabalik na tayo dun..."

Mas lalo tuloy dinaga ang dibdib ko. Anak ng tupa! Ano ba 'to??? Sumasakit pa ang ulo ko. Shete! May tama na yata ako eh.

"Hindi na tayo babalik dun!"

"Eh bakit ka sumisigaw?!"

I sighed exasperatingly. Bakit nga ba ako sumisigaw? Eh tahimik naman na. Wala ng maingay na tugtog. Psh! Nathan, bakit ang engot mo?

"Sorry..." Bulong ko. Huminga muna ako ng malalim kasi hindi na talaga ako komportable.

Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Ang gusto ko lang ay mailayo siya kasama ko. Basta, malayo kay Austin para walang sagabal. Sobrang tahimik sa loob ng kotse. Miski, paghinga yata niya hindi ko marinig. Tanging ingay lang na naririnig ko ay ang engine pati na rin ang AC. Hindi ko na kinaya ang katahimikan kaya nag-slow down muna ako sa pagdadrive saka ko tinurn on ang music player ng kotse ko.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon