[55] Set-up Failed

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi raw chismosa ah. =.=

"Paano mo naman nalaman yan?"

She rolled her eyes, "Duh! Facebook! From in a relationship to single~!!!" -___-

Tumango-tango nalang ako. Kung sabagay, nagchange relationship na nga ako kasabay ng change relationship status nila Kaye Anne at Austin.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko kay Chloe ang tungkol dito diba? Baka matulungan niya pa akong makausap si Kaye Anne. Yeah, 3 days na kasi akong iniiwasan ni Kaye Anne. Sa text, online o maging sa personal. Hinala ko nga, nagpalit na siya ng sim eh. Ang saklap talaga ng buhay ko. +____+

"Fine," hinarap ko si Chloe. Seryoso kung seryoso. Kailangan ko talaga ang tulong niya eh. "Anong reaction ko nung araw na yun? Well, gusto kong durugin ang mukha ng g*go na yun," inangat ko ang kamao ko at hinigpitan ito. "Gusto ko siyang ilibing ng buhay... Malamang sa malamang, nasaktan ako. Aamin na nga ako dapat nung araw na yun, nadiskaril pa!"

SILENCE...

O_________O

"Oy, bat 'di ka na nagsalita dyan?" Nakatulala lang kasi siya sa akin. Parang in a state of shock pa.

Napakurap siya ng mata tapos ay pinalo-palo pa niya ang ulo niya. "T-teka, did I hear you right? Nasaktan ka?"

I sighed exasperatingly. "Oo! Mahal ko si Kaye Anne eh... Nadelay lang ako saglit... Naunahan lang ako ni Austin! Ito namang si Kaye Anne, pabigla-bigla ng sagot... Akala ko ba mahal niya ako? Eh bakit nagkaganito? Maling-mali eh... Dapat ako ang boyfriend niya ngayon. Period."

Halos madikdik ko na ang kinakain kong cheesecake sa sobrang pagkainis ko. Bwisit! Nakakainit talaga ng ulo! Ako naman itong tipo ng tao na mahaba ang pasensya, eh bat ngayon nagiging mainitin na ang ulo ko?!

"FINALLY!!!" Pumalakpak si Chloe ng sunod-sunod na siyang ipinagtaka ko. "Jusme~ Mahal mo si Kaye Anne? Uwaaah! OMG! OMG! Ikaw na ulit ang bet ko, Nathan..." Niyugyog-yugyog niya ang braso ko. "Boto talaga ako kay Austin eh, pero dahil sa sinabi mong yan sa akin... Ikaw na ulit!! Mas bagay kayo..." Sabay tawa niya na halatang kinikilig siya. (GIF on the side)

"Praning..." Napangiti nalang ako sa sinasabi niya. Tama, bagay kami ni Kaye Anne. :)

"Wushu, kinikilig ka naman dyan... So, anong plano mo?"

Napatahimik ako at umiwas ng tingin. Napansin ko tuloy ang kabilang table sa kaliwang banda namin. Puro mga naka-jersey ng E.H.U. I faced her again, "Chloe... Huwag kang maingay. Kasamahan yata ni Austin ang mga yan..." Sabay tingin ulit sa table na yun.

"Ay oo nga..." Mahinang sabi niya. "Ano na, Nathan babe? May balak ka ba? Ang complicated ng situation niyo. Sila na kasi ni Austin eh..."

I sighed helplessly, "Chloe... Palagay ko kasi iniiwasan na ako ni Kaye Anne nitong mga nakaraang araw." Nagbilang ako sa daliri ko. "Tuesday kaming huling nag-usap. Oh ano na ngayon? Friday na diba? Three days na rin..."

"Oh tapos?"

"Chloe, pwedeng i-set up mo siya? Tell her to meet you up tonight..." I smiled faintly to her. "-Peksman, sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya..... Matagal na."

KAYE ANNE'S POV

Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng classroom ko, nakita ko na agad si Austin na naghihintay sa akin. Nakajersey pa rin siya pero nakasuot din siya ng varsity jacket na may apelyido sa likod nito. Nilapitan niya agad ako at agad na humalik sa pisngi ko. >////>

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon