Special Chapter 6

74.4K 1.4K 32
                                    

"Sasamahan na kita!" pagpupumilit ni Van habang nakakunot ang noo

"Gago ka ba?! Sasamahan mo akong magpalit ng napkin ha?!" singhal ko naman sa kanya

"What's the problem with that? I'm worried, okay!" inis na sabi nito

"Wag kang sasama sa loob!" nagbabantang sabi ko

Kanina pa kasi kami nagtatalo dahil may period ako at naiinis ako sa kakulitan niya. Sobrang sakit kasi ng puson ko at ang kumag naman, ayon. OA nanaman.

"Sasama nga ako dahil baka kung anong mangyari sa'yo!" pagpupumilit pa rin nito

"Doon ka na sabi eh! Uupakan kita!" pagbabanta ko sa kanya at tinaas ko ang kamao ko

"Geez. You're so stubborn, woman!" nakukunsuming sabi nito at namewang pa

"Muntanga ka naman kasi! Sinong matinong lalaki ang sasama sa banyo habang nagpapalit ng napkin ang girlfriend niya, ha?! Sino?! Sagot!" panenermon ko sa kanya

"Ako!" sabi nito at tinuro pa ang sarili niya

Binato ko sa kanya yung isang tsinelas ko pero naiwasan niya lang. Muntanga talaga.

"Hindi ka matino! Manyak!" singhal ko ulit

"Nagmamagandang loob lang ako dahil nag-aalala ako sa'yo tapos sasabihan mo ako ng manyak? Ugh! Women are hard to understand!"

"Kayo kasing mga lalaki hindi kayo makaintindi!"

Magsasalita pa sana ito nang makitang ngumiwi ako ulit at napahawak sa puson ko. Shit.

"Y-You okay?" nagaalalang tanong nito

Tumango ako sa kanya at akmang isasarado na ang pinto ng banyo nang bigla siyang pumasok at hinablot ang hawak kong panty at napkin kaya nanlaki ang mata ko.

"What do you think you're doing?!" gulat na tanong ko pero napangiwi ako ulit

Binuksan niya kasi yung napkin tapos sinisipat ang panty ko. Di ko mapigilang mamula sa ginagawa niya. Hindi ko naman mahablot dahil pakiramdam ko mas sumasakit ang puson ko pag gumalaw ako.

"How to put this thing?" curious na tanong nito

Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?! Ako nga hiyang-hiya na eh!

"Akin na kasi!" singhal ko rito

Hindi niya ako pinansin at tuluyan ng binuklat yung napkin. Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang inis. Marahas na hinablot ko sa kanya iyon at naupo sa toilet bowl.

"Napakapakialamero mo talagang lalaki ka!" singhal ko habang nilalagay ang napkin sa panty ko

Nakita naman na niya kaya hindi na dapat ako mahiya. Napaka talaga ng lalaking 'to.

"I just want to help. Masakit ba talaga?" tanong nito ulit

"Ayos lang ako. Please labas ka na para makapagpalit ako." mahinahon na sabi ko

Sumunod naman siya sa sinabi ko nang makitang okay lang ako. OA talaga ang isang yun.

-------

"Feeling mo talaga tao ka?" mapang-asar na tanong ni Van sakin

"Hindi. Dyosa kasi ako!" mataray na sabi ko sabay flip ng hair para maganda ang effects diba?

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now