Chapter 8

109K 2.5K 238
                                    


Zea's POV

Napalingon ako sa likuran ko. Nakatayo doon si Aidan na may dalang brief case. Aba't may gana pa siyang ipakita sakin ang mukha niya. Hindi pa ata siya nagtanda sa nangyari sa kanya kagabi.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you need?" masungit na tanong ko sa kanya

"Can we talk for awhile?" mahinahon na tanong nito

"Wala tayong pag-uusapan. Makakaalis ka na." sabi ko at humarap ulit kay nanay na nanonood lang samin

"Zea... We need to talk." sabi niya ulit at hinawakan ako sa balikat

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tinignan siya ng masama.

"Wag mo akong hawakan. Pagkatapos mo akong lokohin may gana ka pang hawakan ako? Bakit? Napagtanto mo ba na dyosa ang pinakawalan mo kaya gusto mo akong kausapin? Ang mga tulad kong dyosa hindi dapat nakikipag-usap sa mga lalaking walang taste. Ipinagpalit mo na lang din ako sa hipon pa. Sana nilubos mo na." mataray na sabi ko sa kanya

Dumaan sa mata niya ang pagsisisi at lungkot pero hindi ko na iyon binigyan pa ng importansya. Sana naisip niya muna ako bago niya ipagpalit sa hipon na iyon.

"Gusto lang kitang makausap." nakayukong sabi nito

Gusto kong maawa sa kanya dahil alam kong sincere siya pero gaya nga ng sabi nila, mahirap makalimot ng isang pagkakamali.

"Hijo, pwede bang umalis ka na at baka hindi kita matantiya at ibato ko sa mukha mo ang mamahalin na vase na nandito sa gitna ng mesa namin?" nakataas ang kilay na sabi ni nanay

Napangiti ako sa inasta ni nanay. Mana nga ako sa kanya sa pagiging mataray.

"Tita, gusto----" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may magsalita sa gilid ko

"Is there any problem here?" tanong ng isang malalim at seryosong boses

Napaangat ako ng tingin at napamura sa isip ko. Shit. Double shit.

Pwede bang pahinga muna? Pwede bang bukas ulit? Kaya hindi ako pumasok para hindi siya makita pero tignan mo naman at nandito siya ngayon sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang ngiti ni nanay at ang pag-iling niya.

"Mr. Lewis." seryosong sabi ni Aidan

Magkakilala pala sila? Ay tanga naman Zea. Malamang. Nasa iisang larangan sila. Pareho silang negosyante at bigatin.

"Mr. Del Mundo, do you have any problem with my wife?" maawtoridad na tanong nito

Sabay na nanlaki ang mata naming tatlo nila Aidan at nanay. Did he say wife? Triple shit. I'm imagining things, right?

Fudge. Wala siyang sinabi diba?

"W-Wife?" gulat na tanong ni Aidan

"Van!" inis na tawag ko sa kanya

"Yes, she's my wife." seryosong sabi nito

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay dumating ang waiter na dala ang order namin at may nanlalaking mata. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Van. This is trouble. Kilala ng mga media si Van at pag may nakaalam ng tungkol sa sinabi niya, siguradong magugulo ang tahimik kong buhay.

"Zea, is that true?" tanong sakin ni Aidan

Tinignan ko ng masama si Van. Hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya. Nasa likuran niya ang ilang bodyguards niya.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now