Zea's POVHindi ko inasahan ang sumalubong sakin sa bahay. Isang sampal na galing kay Eugene. Mabuti nalang at hindi iyon masakit.
"Saan ka galing ha?! Galing ka nanaman sa lalaki mo?!" singhal nito sa malalim na boses
Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na si nanay na nagsalita.
"Tumigil ka nga Eugene. Hindi bagay sa'yo." natatawang sabi ni nanay
"Sabi na nga ba at hindi bagay sakin maging lalaki! Kaya love na love kita mother dear eh!"
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil bumalik na ito sa pagiging binabae niya. Matagal ko ng kaibigan si Eugene at ganyan na talaga yan. Pusong babae. Tsk.
Pero nakakatuwa lang na nagiging tunay na lalaki yan pag nanakit sakin. Malapit rin siya kay nanay at kay Adonis para na rin kasing anak siya ni nanay.
"Kumain na tayo. Nakahain na ang hapunan." yaya samin ni nanay
Naupo na kaming lahat at syempre si Eugene ang nag-iingay at nakikisali rin ako. Si Adonis naman ay tahimik lang.
"Bes, hindi mo ba ako namiss? Isang taon akong nawala!" drama sakin ni Eugene
"Bakla, isang linggo ka lang nawala hindi isang taon!" natatawang sabi ko rito
Isa kasi siyang engineer at nadestino siya sa tagaytay dahil sa isang project. Baklang bakla yan pero engineer! Proud bestfriend here!
"Sus! Umamin ka na bes. Alam ko na kulang ang ganda mo pag wala ako!" tukso nito
Natawa ako sa kanya nang i-flip niya ang buhok niya na wala naman. Clean cut kasi ang buhok niya. I never see him cross-dressing. Lalaki siya manamit dahil sabi niya kung gusto mong respetuhin ka ng tao, respetuhin mo ang sarili mo sa paraan ng pananamit mo.
"Syempre namiss kita!" sabi ko rito at yumakap sa kanya
"Pero bes. Totoo ba yung sabi ni Adonis kanina. Nagtratrabaho ka sa Lewis Incorporation at secretary ka ng mismong CEO?" seryosong tanong nito
Napatingin ako kay nanay nang mapasinghap ito. Marahan akong tumango sa kanila. Akala ko ay magagalit si nanay ngunit ngumiti ito sakin at pinisil ang kamay ko.
"Malaki ka na anak pero nandito lang ako para masandalan mo." malambing na sabi ni nanay
"Salamat nay." sabi ko sa kanya
Nang matapos ang hapunan namin ay nagtungo kami ni Eugene sa kwarto ko. Alam kong gusto niya akong masolo para makausap ng masinsinan.
"Zea, sigurado ka ba sa ginagawa mo?" seryosong tanong nito
"Eugene, okay lang ako. Nandoon ako para magtrabaho." sagot ko rito
"Para magtrabaho nga ba? O para mapalapit ulit sa kanya?" tanong niyang muli
Napakagat ako sa labi ko. Naguguluhan ako sa kung ano ang nararamdaman ko.
Bumuntong hininga si Eugene at naupo sa tabi ko. Niyakap ako nito ng mahigpit.
"Tandaan mo Zea, pag pinapasok mo ulit siya sa buhay mo, pwede kang masaktan o pwedeng siya ang masaktan."
Yumakap ako sa kanya pabalik. I am thankful that I have a great friend.
"Oo nga pala. Kumusta kayo ni Aidan?" tanong nito
Umiling ako sa kanya habang nag-uumpisa ng bumasa ang mga mata ko. Muntik ko ng makalimutan na may lalaking nanloko sakin. I feel worthless. Lahat nalang ba ng lalaki sa buhay ko iiwan ako?
YOU ARE READING
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...