Chapter 14

102K 2.2K 61
                                    


Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong may nakayakap sakin. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng brasong iyon.

Nahihirapan na ako at ganun din siya. Magkakasakitan lang kami.

Pagkauwi namin sa Pilipinas aayusin ko na ang lahat at lalayo ako kay Van. Ako na mismo ang lalayo para hindi na siya masaktan pa at tuluyan na niya akong makalimutan.

Kakausapin ko si Tito Ricardo para makapagresign na ako at makalayo na.

"Gising ka na pala. Magbihis ka na para makauwi na tayo sa Pilipinas. Sa eroplano nalang tayo kumain." sabi ni Van

Bumangon ito na parang wala lang sa kanya na niyakap niya ako sa pagtulog. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at kinuha ang mga gamit ko. Pumasok ako sa banyo at naghubad na.

Binuksan ko ang shower at dinama ko ang maligamgam na tubig na nanggagaling dito. Nanatili akong nakayuko habang naglalandas ang tubig sa buong katawan ko.

Naalerto ako nang maramdaman ko ang mga braso na yumakap mula sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya dahil wala rin siyang saplot tulad ko.

"I miss you, my witch." bulong nito na napatayo ng balahibo ko

Napahawak ako sa braso niya na nakapulupot sa bewang ko nang marahan niyang halikan ang balikat ko. Ganun pa rin ang epekto niya sakin. Walang pinagbago.

Dapat nagpupumiglas na ako at tinutulak siya palabas pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ginagawa niya.

"Tell me you miss me too, Xandra. Tell me." bulong nito

Nakagat ko ang labi ko nang halikan niya ang batok ko. Sinunod naman niyang halikan ang leeg ko at ang kamay naman niya ay hinihimas ang dibdib ko.

"Bumalik tayo sa dati. Kahit ngayon lang, Xandra. Gusto kong maramdaman na asawa pa rin kita." sabi nito at siniksik ang mukha niya sa balikat ko

Napapikit ako ng mariin at tinanggal ko ang braso niya na nakayakap sa akin. Hinarap ko siya at ngayon kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya. Nakikita ko kung gaano nasasaktan ang isang Enrique Van Lewis na kinakatakutang banggain ng lahat.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya kaya napapikit siya at dinama ang palad ko.

Siniil ko siya ng halik bago pa siya magmulat ng mata. Katulad niya gusto kong maramdaman na ang Van na dating minahal ko at minamahal ko.

-------------

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas na ulit ako.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking tumabi sakin at walang sabi na umakbay. Naiinis ako sa kanya dahil akala ko may business meeting talaga siya yun pala, yung portrait lang ni Adam Levin at pirma niya ang kailangan niya sa States.

"What?" tanong nito

"Alisin mo yang braso mo sa balikat ko kung ayaw mong baliin ko yan." masungit na sabi ko

Ngumisi lang ito sakin at mas hinapit ako palapit sa kanya.

"I'm still your boss, Zea Alexandra." nakangising sabi nito

Umirap nalang ako sa kanya at tinignan ang orasan ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas tres na ng hapon. Alas kwatro ang birthday party ni Adonis!

"Tara na! Baka matraffic tayo at malate sa birthday party ni Adonis."

Tumango naman siya at hinila ako sa papasok sa kotse. Agad naman na sumakay ang ilang bodyguards niya sa kabilang kotse na nasa likuran.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now