Chapter 7

112K 2.1K 67
                                    


Zea's POV

Tinignan ko lang ng blangko ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung dapat bang magsalita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nito

"Irereport ko lang ang lalaking nandyan sa loob ng taxi. Hinoholdap ako kanina." simpleng sabi ko at akmang tatalikod na nang tawagin niya akong muli.

"Zea..."

Humarap ako sa kanya ng may blangko pa rin na tingin.

"Hindi ko dapat siya dadalhin dito kaso ito ang pinakamalapit at nagmamadali akong umuwi. Kayo na ang bahala sa lalaking yan. Wala akong pakialam kung hindi kayo maniwala sa sinasabi ko. Ganyan naman kayo eh. Hindi ako pinapaniwalaan." bakas sa boses ko ang hinanakit

Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako. Sobrang daming nangyari sakin kagabi at ngayon. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng mga tao sa nakaraan ko?

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Si Aidan. Nakita niya ako sa bar kagabi at pinilit niyang makausap ako.

Kanina pa ako hindi mapakali nang mabasa ko ang text ni Aidan. Nakita niya raw ako dito. Isang buwan na mula noong maghiwalay kami at ni minsan ay hindi niya ako tinawagan o tinext man lang.

"Girl, ayos lang?" tanong sakin ni Julie

"O-Oo naman." agad na sagot ko

"Tara! Sayaw tayo!" yakag nito sakin

Umiling lang ako sa kanya. Wala ako sa mood na sumayaw lalo na't nasa paligid si Aidan.

"Toilet lang muna ako." paalam ko sa kanya

Tumango siya sakin at nagpunta na sa dance floor. Nag-umpisa na rin akong maglakad papunta sa toilet. Nadaanan ko pa ang ilang VIP rooms na nandito. Dun nag-iinuman ang mga taong gusto ng privacy o ayaw ng maingay dahil sila ang gagawa ng ingay.

Napasinghap ako nang may biglang humila sakin sa dulong parte ng hallway. Tago dito dahil may malaking halaman na tumatakip sa pinakadulong bahagi. Awtomatikong umigkas ang kamao ko papunta sa tiyan ng hinayupak na ito.

Bago pa lumapat ang kamao ko ay nakita ko agad kung sino ang humila sakin. Tumigas ang panga ko at malakas na sinampal siya.

"Shit. Zea, honey. I'm sorry." malungkot na sabi nito

"Sorry?! Tangina! Isang buwan, Aidan! Isang buwan kang hindi nagparamdam tapos ngayon bigla kang magsosorry?! Sorry is not enough! Babaero!" singhal ko sa kanya

"I'm sorry! Wala lang akong mukhang maiharap sa'yo dahil--" I cut him off

"At ngayon may mukha ka ng maihaharap?! Kumapal na ang mukha mo ganun?!" singhal ko ulit sa kanya

"Damn honey. I'm really sorry. I miss you." frustrated na sabi nito

Tinignan ko siya ng masama at tinulak palayo sakin.

"Go fuck yourself, dumbass!" sigaw ko sa kanya

Wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na siya at nakalapat na ang labi niya sakin. Hindi ako agad nakagalaw sa pagkagulat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdin ko at pinipisil iyon.

P*tangina. Inipon ko ang buong lakas ko at tinulak siya palayo sakin. Hindi ko napigiln ang sarili kong sikmuraan siya. He will fuckin' regret that he touched my boobs!

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now