Chapter 11

103K 2.3K 87
                                    


Zea's POV

Hindi na ata ako nawawalan ng problema sa buhay. Sa makalawa na ang birthday ni Adonis at hindi pa ako nakakabili ng regalo sa kanya dahil sa totoo lang nakalimutan kong bumili ng regalo niya.

Isa pa sa problema ko si Julie na parang zombie. Nag-aalala ako sa kanya dahil nakwento niyang may babae ang asawa niya at sumama siya sa babaeng iyon kasama ang anak nila. Gusto niyang makuha ang anak niya.

Parang gusto ko tuloy isipin na pare-pareho lang ang mga lalaki. Kaso alam kong may mga matitino pang lalaki sa mundo.

Dumagdag pa sa problema ko ang amo kong freak. Tinatambakan nanaman niya ako ng trabaho. Nagpapasalamat nga akong wala siyang meeting dahil hindi ko siya makikita at makakasama.

May isa nanaman akong problema. Yung kotse ko. Nasa talyer yung kotse ko dahil butas ang gulong.

At ang pinakamalaking problema ko ngayon, si Adonis at Mikaela na natulog ng magkatabi. Ayokong mag-isip ng masama pero kahit sino naman mag-iisip ng iba kung makikita mo ang kapatid mo na may katabing babae sa kama at suot ang t-shirt ng kapatid mo!

Nanggigigil na napasabunot ako sa buhok ko habang nasa harapan ko si Adonis at Mikaela na tahimik na nakaupo.

"Kayong dalawa!"

Halos mapatalon ang dalawa nang magsalita ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at boses ko dahil sa magkahalong inis, galit, disappointment, lungkot at takot.

"Mag-uusap tayo pagkatapos kumain ng agahan. Gutom na ako at masamang ginugutom ang dyosang katulad ko dahil nagiging dragon." matigas na sabi ko

Magsasalita pa sana si Adonis nang itaas ko ang palad ko. Ayoko muna siyang kausapin dahil gutom ako at baka ilechon ko siya. Sana mali ang hinala ko dahil kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Tahimik na naupo ako ganoon din sila habang naupo naman sa tabi ko si Jaxon at nasa gitna namin si Devon. Nandito pa sila dahil ayaw silang paalisin ni nanay ng hindi nag-aagahan.

"Mommy, feed me." nakangusong sabi ni Devon

"I will feed you." sabi naman ni Jaxon

"No! I want mommy." nagmamaktol na sabi nito

Ang sarap sa pandinig na may tumatawag sayong mommy at sarap sa pakiramdam na may anak. Pero lahat iyon, ipinagkait sakin.

Sinubuan ko si Devon at pasimpleng sinasamaan ng tingin si Adonis. Si nanay naman kalmado lang pero halata sa mukha niya ang pagkabahala.

Tahimik na natapos ang agahan namin. Tanging si Devon lang ang nag-iingay.

"Una na kami, Zea." paalam sakin ni Jaxon

Tinanguan ko siya at nagpaalam din siya kila nanay.

"Bye Devon. I'll visit you." paalam ko kay Devon na nakayakap pa rin sa binti ko

"Can I stay here? Daddy will go to work again." nakapout na sabi nito

"You can't. I have a work too, baby." masuyong sabi ko rito

Nag-umpisa ng mamasa ang mata niya at nagpapaawang tumingin sakin.

"He will leave me to yaya again!" naiiyak na sabi nito

"Devon, don't be like that." saway ko sa kanya

Tuluyan na siyang napaiyak kaya nataranta ako. Napakamit naman sa ulo si Jaxon.

"Anak naman." problemadong sabi nito

"No! I will stay with mommy!" umiiyak na sabi nito at mas yumakap pa sa akin

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now