Chapter 18

104K 2.1K 237
                                    


"Kung hindi mo balak ayusin ang kasal niyo layuan mo na siya. Magkakasakitan lang kayo ulit."

Seryosong nakatingin sakin si Eugene habang nakaupo kami rito sa isang coffee shop. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

Tama naman siya pero hindi ko kayang lumayo kay Van.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Eugene sakin

Tumango ako sa kanya at humigop sa kape ko. Pakiramdam ko natutuyuan ang lalamunan ko.

"Bakit hindi mo ipaglaban? Humingi na siya ng chance sa'yo kaya wag mo ng pakawalan." nakairap na sabi ni Eugene

"Hindi naman ganun kadali yun!" depensa ko

"Hindi ganun kadali dahil pinapahirapan niyo ang mga sarili niyo! Bakit hindi nalang kayo magbalikan kesa kung ano-ano pa ang inaarte niyo?" inis na sabi nito

"May nabuntis siya Eugene!" galit na sabi ko

Bumalik ang pagiging seryoso nito at nilapag ang cup na hawak niya.

"Ano ngayon kung may anak siya sa iba? Mag-asawa pa rin kayo. Ikaw ang legal na asawa. Hahayaan mo nalang ba na maagaw siya ng iba sa'yo?" nakangising sabi nito

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napabuntong-hininga. Naiinis ako dahil alam ko na may punto siya sa sinasabi niya. Ni-rerealtalk niya ako eh.

"Ano? Napaisip ka no?" nang-aasar na sabi nito nang mapansin niya na tinamaan ako sa sinabi niya

Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Tinawanan naman ako nito. Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa kanya. Hindi na masyadong malambot ang paggalaw nito at pati ang pananalita niya ay medyo nag-iba.

"May napapansin ako sa'yo." seryosong sabi ko

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman itong tumawa at umiwas ng tingin.

"Ano namang napapansin mo? Na mas maganda ako sa'yo?" biro nito

Inubos ko ang kape ko at inayos na ang gamit ko. Kailangan ko na ring pumasok sa opisina. Nagsalita ako bago pa ako tuluyan tumalikod sa kanya.

"Nagiging lalaki ka na. Bye! See you!" nakangising sabi ko at tumalikod na

Tinawag pa ako nito pero hindi ko na siya pinansin at tumuloy na ako sa kotse ko na tumatawa pa rin. I'm actually happy for him. He deserves to be happy. Sino kaya ang maswerteng babae?

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na babae sa lobby. Kitang kita ko rin ang paghanga sa mata ng mga empleyado sa kanya na eleganteng nakaupo sa couch. Palinga linga rin siya sa paligid na parang may hinihintay.

Hinihintay ba niya si Van? Dapat pumasok nalang siya sa office niya para mas maging komportable siya.

"Mrs. Lewis." tawag ko sa atensyon nito

Gulat na napatingin ito sa akin pero agad din siyang ngumiti. Ngumiti ako ng tipid sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari samin ng anak niya.

"Zea, hija." Napapikit ako nang yakapin ako nito at haplusin ang likod ko. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na namiss ko siya. Napakabait niya sa akin noon at wala pa rin pinagbago ang pagiging malamyos ng boses niya.

Nakita ko rin ang pagkagulat ng mukha ng mga nakakakita samin. Sino ba naman ang hindi magugulat kung yayakapin ako ng ina ng CEO nitong kompanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nakangiting sabi nito

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now