Special Chapter 3

90.8K 1.6K 121
                                    


Nakakunot noo ako habang naglalakad at hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong inis dahil late nanaman ako. Ano bang bago sa pagiging late ko? Hindi sana ako malelate kung sinundo ako ni Van. Peste talaga ang ugok na yun!

Nanliligaw daw kasi kaya hinahatid sundo ako pero kanina hindi man lang nagsabi na hindi niya ako susunduin. Sana naman inabisuhan niya ako para maaga akong gumising, diba? Nakakabeast mode ang tanginang yun eh.

Ano bang magandang gawin sa kanya? Ibitin ko kaya patiwarik yun sa may flagpole na nasa High School Building? O kaya naman wag ko siyang pansinin buong araw? Kaso pag di ko siya pinansin baka i-unfriend niya ako sa facebook tapos i-unfollow ako sa twitter.

"Zea!"

Napalingon ako at nakita si Eugene na maarteng naglalakad papunta sakin. Nakataas pa ang kilay niya.

"Ano?! Late na ako!" inis na sabi ko

Ngumisi siya sakin at kumindat. Shit. Kakakilabot.

"Mga tauhan, dakpin niyo na yan." utos nito kaya kumunot ang noo ko lalo na nang may lumabas na dalawang maskuladong lalaki at hinawakan ako sa magkabilang balikat

"Ano to, Eugene?! Pag ako nakawala sasapakin kita! Bitawan niyo nga ako! Ano ba?!" singhal ko sa kanila

Dinala nila ako sa cafeteria ng school at tinulak papasok. Napatigin ako sa paligid at napansin ko na may mga decoration sa gilid. May nakalagay pang malaking banner sa likuran at ang nakasulat doon, 'You are now my girlfriend'

Okay. Kinikilig ako pero naiinis pa rin ako kasi di niya ako sinundo o tinext man lang kanina. Aba. Dapat pakipot muna.

"Ano nanamang trip mo?!" inis na tanong ko sa kanya

"Sasagutin mo na ako ngayon." balewalang sabi nito na parang siguradong-sigurado na sasagutin ko nga siya

"Ano?! Hoy! Di pa kita sinasagot!" singhal ko sa kanya

Siniswerte naman ata siya. Dalawang buwan palang siyang nanliligaw sakin ah.

"Sasagutin mo na ako ngayon. Girlfriend na kita." seryosong sabi nito

Nakikipag-gaguhan ba sakin ang ugok na 'to?! Pigilan niyo ako at baka sunggaban ko siya ng halik--este sapak. Hawakan niyo braso ko sabi eh! Susunggaban ko na yan!

"Aba't! Di pa nga kita sinasagot sabi eh!" nagmamaktol na sabi ko

"Basta girlfriend na kita at sinasagot mo na ako ngayon. Wag ka ng umangal. Di ka naman lugi sakin baka ako pa nga lugi sa'yo eh." nakangising sabi nito

Ngumuso ako sa kanya. Nanliligaw palang pero kinakawawa na ako. At ano ito? Self-declared boyfriend?!

"Hindi pwede! Hindi mo pa nga ako hinaharana at pinag-iigib ng tubig eh! Tapos di ka pa nagsibak ng kahoy!" sumbat ko rito

Sumimangot naman siya sa sinabi ko. Mukhang naiinis na siya. Masungit talaga ang lalaking 'to.

"Witch, may gripo kayo tapos may stove din kayo kaya di mo na kailangan ng panggatong." nakasimangot na sabi niya

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya pero yun yung traditional na panliligaw eh.

"Edi haranain mo nalang ako sa bahay." nakangiting sabi ko

Mas nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

"What the hell? Ayoko! Basta sinasagot mo na ako ngayon! Kakantahan kita pag tayong dalawa lang." lukot na lukot na ang mukha nito

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now