Chapter 36

105K 2.2K 133
                                    


Zea's POV

Isang buwan....

Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang pangyayaring iyon na hindi ko makalimutan. Nabaril ko si Nerissa at dumating si tatay. Sa kanya galing ang pangalawa at pangatlong putok ng baril na narinig ko. He shot Nerissa.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya nang makita si Nerissa na nakahandusay sa sahig.

"Hindi ako papayag na saktan mo ulit si Adonis! Not my son, Nerissa!"

Biglang dumating sila Van noon at ang mga pulis. Tumakbo si tatay palabas at nakipagbarilan sa mga pulis. Nagkaroon ng engkwentro sa labas ng hospital. Nabaril si tatay ng tatlong ulit na sanhi ng ikinamatay niya.

Kahit ganun si tatay, hindi ko mapigilang malungkot. Tatay ko pa rin siya kahit na anong mangyari. Cara is mourning too as well as nanay. Walang lamay na naganap dahil pina-cremate na namin siya agad. He brought tragedy in our family kaya hindi namin magawa na paglamayan pa siya.

Si Adonis naman unti-unti ng bumabalik ang alaala niya nang makita si tatay. Sinabi niya samin na nakita niya si tatay sa university at nag-usap sila. Humingi raw ng tawad sa kanya si tatay dahil nasuntok niya ito noong kaarawan niya.

Nabalik ako sa reyalidad nang may yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Witch, may pupuntahan tayong party mamaya. Ipapasundo kita sa driver natin." sabi nito

Tumango ako sa kanya kahit na nagtataka ako kung anong gagawin namin sa party. Hindi niya kasi ako pinapayagan na umalis alis ng bahay eh.

Humalik siya sakin bago magpaalam para pumasok sa opisina. Nagtataka ako minsan kung bakit hindi pa siya bumibili ng bahay para samin. Ayoko namang magtanong dahil baka akala niya nagrereklamo ako.

Naisip ko lang kasi na mas maganda kung may sarili kaming bahay at doon palakihin ang anak namin kaysa dito sa condo.

Tumawag sakin si Van at sinabing magbihis ako ng maaga dahil 7pm ang start ng party. Naghanap ako sa closet ng mahabang blue gown na flowy. Sabi niya kasi magsuot ako ng gown eh. Lace ang mahabang manggas nito. Simple lang ang itsura niya pero elegante. Tamang-tama lang sa akin iyon at sa baby bump ko na hindi halata dahil sa style nito.

Naligo ako at nag-make up ng light bago magbihis. Nagsuot lang ako ng sandals dahil hindi ako pwedeng magheels. Sinipat ko muna ang buhok ko na nakakulot sa dulo at nakalugay bago ako lumabas ng condo.

Nakita kong naghihintay na sakin yung driver kaya sumunod na ako sa kanya. Nagtaka ako nang makita kong limo ang sasakyan namin. Sumakay nalang ako at nagtext kay Van na nasa daan na kami. Pinagbuksan ako ng driver nang makarating kami sa isang five star hotel na pag-mamay-ari din nila Van.

"Adonis?" takang tanong ko nang makita ang kapatid ko sa entrance

"Hi Ate! Imbitado si Mikaela sa party kaya sinamahan ko siya. Nakita ko si Kuya Enrique at sinabi niya na hintayin kita dito para daw may kasama ka." nakangiting sabi niya

Nakaramdam ako ng kaunting tampo dahil hindi siya ang sumalubong sakin pero ayos na rin kasi si Adonis naman eh. Namiss ko kasi siya.

Iginiya niya ako papunta sa function hall at pinagbuksan ng pinto. Sumalubong sakin ang malamyos na musika. Maraming tao sa paligid at napatingin sila sakin nang pumasok ako. Ang ilan sa kanila ay kilala ko dahil na rin sa pagsama ko sa mga meetings ni Van dati.

Nawala na si Adonis kaya hinanap ng mata ko si Van pero hindi ko siya makita kaya lumapit ako kila mommy nang makita ko sila. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon