Chapter 17

102K 2.3K 101
                                    


"Sir Freak!" tawag ko sa amo ko na nakakunot ang noo

Malamang inis na inis na yan dahil sa panggugulo at pang-iinis ko sa kanya. Trip ko kasi siyang inisan ngayon. Ewan ko ba kung bakit.

"What the f*ck?! Don't you know how to knock?!" singhal nito sakin

"Ang hot mo talaga Freak. Sasabihin ko lang na may appointment ka ulit this 5pm." nakangiting sabi ko na may halong pang-aasar

"What?! Anong appointment?!"

Oh. Init nanaman ng ulo eh.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at nagpacute pa.

"Ihahatid mo ako pauwi." nagpapacute na sabi ko

"What the hell?! Hindi mo ako driver! Umuwi ka mag-isa mo!" singhal nito

Naningkit ang mata ko sa kanya. Kanina pa niya ako sinisinghalan at naiirita na ako sa kanya.

"Ihahatid mo ako pauwi o ihahatid?" naniningkit ang matang tanong ko

"HINDI KITA IHAHATID!" sigaw nito

"Kulang ang pamasahe ko kaya ihatid mo ako!" I demanded

May binabalak kasi ako kaya gusto kong ihatid niya ako. Tsaka sinabi ko sa kanya kanina na wala akong kotse dahil ginamit ni Adonis.

"Why should I?!"

"IHAHATID MO AKO! SABI NI SIR RICARDO MAGING MABAIT KA SAKIN!" madiin na sigaw ko

"Hindi nga---"

"DAHIL MAGBABAR KA? YAN ANG HIRAP SA'YO! HINDI PORKE MAYAMAN KA EH BAR KA NG BAR! SPEND YOUR MONEY WISELY!" sermon ko

Alam ko naman na hindi yan magbabar eh. Baka pumunta yan dun sa nabuntis niya. Masama na kung masama pero hindi ko siya hahayaan na magpunta sa babae niya!

"Ano bang pakialam--"

"Ihahatid mo ako o ihahatid mo ako?" matigas na sabi ko

Matalim ang titig na binigay ko sa kanya kaya wala sa sariling napatango ito. Ngiting tagumpay naman ako at prenteng naupo sa silya na nasa tapat ng mesa niya

*knock knock*

Ako na pumindot ng intercom dahil kawawa naman ang 'asawa ko' diba? Baka pagod na sa trabaho. Sinamaan pa ako nito ng tingin pero nginisihan ko lang siya.

"Who's there?" Tanong ko

"Hazel po." sagot ng nasa labas

"Hazel who?" sarkastikong ko

Hindi ko alam pero nababanas ako sa boses niya. Nangangamoy malandi eh. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung nasa Finance Department na napakalagkit kung makatitig sa ASAWA KO.

"Hazel Mitch."

"Ay. Akala ko Hazel Bitch." nakairap na sabi ko bago tumayo at buksan ang pinto

Tumaas ang kilay nito nang makita niya ako kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Aba naman. Ang ganda kaya ng kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" balik tanong ko sa kanya

"Ako ang unang nagtanong." masungit na sabi nito

"So? Ako naman ang pangalawang nagtanong." pilosopong sabi ko

Kita ko ang inis sa mukha niya kaya pinigilan kong matawa. Magsasalita pa sana ito nang tumalikod na ako at naupo sa dating pwesto ko kanina.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now