Chapter 24

96.6K 2.1K 67
                                    


Nagising ako ng maaga kaya agad na nagluto ako ng breakfast namin ni Van. Nagluto lang ako ng egg, bacon, hotdog at nag-toast ng bread. Narinig ko ang pagtunong ng doorbell kaya tumigil ako sa ginagawa ko at binuksan ang pinto.

"Dyaryo po. Nagbilin po kahapon si Sir na magdala rito ng dyaryo ngayong umaga." sabi ng isang staff dito sa building

"Sige. Salamat."

Nagtataka man ay tinanggap ko ito at ipinasok sa loob. Pinatong ko na lang iyon sa mesa at bumalik sa ginagawa ko.

Napatigil ako sa paghahalo ng kape ni Van nang maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod ko. Amoy palang kilala ko na.

"Good morning my witch." paos na sabi nito

Humarap ako sa kanya at nakangiting binigay ang kape niya na agad naman niyang kinuha sakin. Gulo-gulo pa ang buhok nito at namumungay pa ang mata.

"Good morning my ogre. Handa na ang breakfast kaya kain na tayo." yaya ko sa kanya

Ngumiti siya sakin at mabilis na humalik sa labi ko bago ako hinila papunta sa mesa. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya maupo sa harapan ko. Humigop muna siya sa kape niya bago niya buklatin ang dyaryo na nasa mesa.

Nakakapagtaka dahil hindi naman siya palabasa ng dyaryo. May nagrereport sa kanya ng mga balita na may kinalaman sa kanya o sa pamilya nila. Kumunot ang noo ko nang binaba niya ang dyaryo at malaki ang ngisi niyang humigip muli sa kape niya.

"What?" takang tanong nito sakin nang mapansin niyang tinitignan ko siya. Nakapaskil pa rin sa labi niya ang malaking ngisi niya na akala mo may ginawa siyang isang malaking kalokohan.

"Anong meron?" tanong ko

"Wala naman. Just eat." balewalang sabi niya

Dahil sadyang mayigas ang ulo ko kinuha ko ang dyaryo at binuklat ito. Akmang hahablutin niya sakin ang dyaryo ng sinamaan ko siya ng tingin. Umayos nalang siya ng upo kaya binasa ko ang front page.

Alameda Group of Companies are on the verge of bankruptcy. The major investors of the said company are pulling out. There's an issue about embezzlement. Ms. Nerissa Alameda refused to give her statement about the issue.

And the story goes on and on. Maraming pang nabanggit na issue tungkol sa kompanya nila Nerissa. Nilapag ko sa mesa ang dyaryo at tinignan si Van na nakatingin pala sakin.

"Umamin ka nga sakin, Van. May kinalaman ka ba dito?" seryosong tanong ko

Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat bago magsalita.

"Hindi ko kasalanan na may anomalya sa kompanya nila. What makes you think na may kinalaman ako dyan?" balewalang tanong nito at nagpatuloy sa pagkain

"Van naman! Hindi mo alam ang kayang gawin ng Nerissa na yan! Sana hindi mo nalang pinakialaman ang kompanya nila. Noong pulis pa lang siya madami na siyang nagawang anomalya at ngayon na siya ang namumuno ng kompanya nila mas makakagawa siya ng masama! Dapat---" Pinutol niya agad ang iba pang sasabihin ko at matalim niya akong tinignan kaya hindi ko mapigilang mapalunok.

"Para ano? Para mas makagawa siya ng masama sa pamilya mo at sa pamilya na binubuo ulit natin? Hindi mo ba naisip na kaya sila nagpakita sa birthday ni Adonis para magsimula nanaman sila ng gulo? Hidni matatapos ang gulong ito nang hindi sila nabubulok sa kulungan! Your father and that bitch killed our son! Kung ako lang ang masusunod pinatay ko na silang dalawa! Hindi ako matatahimik hangga't malaya sila at nagpapakasaya sa yaman na hindi naman dapat para sakanila. Alam mo bang nilason ng Nerissa na iyon ang tatay niya para mapaksakanya ang buong yaman ng tatay niya at makasama ang tatay mo? Pati tatay niya kaya niyang patayin, Alexandra. Kaya hindi ako titigil na pahirapan sila hanggang sa mabulok sila sa kulungan!" Galit na galit na sabi nito at walang sabing tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa dining room.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now