Chapter 15

105K 2.9K 168
                                    


Napako ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa hayop na nasa pintuan ng bahay ko. Hindi lang iyon, may kasama pa siyang basura.

Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit. May gana pa siyang magpakita at isama ang punyetang babae niya sa pamamahay ko.

"Asan si nanay?" tanong ko kay Van

"Dinala siya ni Eugene sa taas dahil nawalan siya ng malay." mahinahon na sabi nito

Mas lalong tumindi ang galit ko dahil sa narinig ko. Hindi ko hahayaan na saktan ulit nila si nanay. Hindi ko sila hahayaan na saktan si nanay habang nabubuhay ako.

"Ang kapal ng mukha niyo." nanginginig na sabi ko

"Gusto ko lang batiin si Adonis, Zea."

Matalim ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Namumuhi ako sa kanya at naiinis ako tuwing binabanggit niya ang pangalan ko.

"Lumabas ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong magpatawag ako ng gwardiya para kaladkarin kayo ng putanginang babaeng kasama mo." malamig na sabi ko

"Zea Alexandra..." nagbabantang tawag sakin ni Van

Hindi ko siya pinansin dahil ayokong mabaling sa kanya ang galit ko sa tatay ko. Wala pa siyang alam at ayokong malaman niya.

"Dalhin mo na sa taas si Adonis, Mikaela." utos ko kay Mikaela

Hinila siya ni Mikaela pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Nanatili siyang nakatayo at nakakuyom ang kamao.

"Umakyat ka na sa taas, Adonis!" matigas na utos ko sa kanya

Pilit siyang hinihila ni Mikaela pero dahil sadyang malakas siya hindi man lang siya matinag ni Mikaela.

"Baby Adonis, pinapaakyat ka na ng Ate mo. Bakit hindi mo siya sundin? Baka kasi madapuan ka ng lamok dito sa ibaba. Titimplahan ka pa niya ng gatas ng nanay mong walang kwenta diba?" mapang-uyam na sabi nito

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Kung meron mang walang kwenta dito, siya yun at ang hayop na yan!

Akmang susugurin ko na siya nang bigla siyang napasalampak sa sahig habang hawak ang pisngi niya.

"ADONIS!" galit na tawag sa kanya ni Mikaela na ngayon ay naiiyak na

Tigagal na napatingin ako sa kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganyan at ngayon ko lang siya nakitang nanakit ng babae. Sinampal niya si Nerissa at alam kong malakas iyon dahil may dugo sa gilid ng labi niya.

"WALANG HIYA KA!" sigaw ng hayop na tatay namin

"Ako pa ang walang hiya? Bakit hindi mo yan sabihin sa sarili at sa kabit mo? Sinaktan mo si nanay hindi lang emosyonal kundi pati pisikal! At ang putanginang babaeng yan sinaktan ang ate ko! Sinaktan niya ang ate ko! Naiintindihan mo ba ako?! Hindi lang ate ko ang sinaktan niya!---"

Namumutla akong napatingin kay Adonis at mabilis na pinutol ang sasabihin niya.

"No Adonis. Please." mahinang sabi ko sa kapatid ko

Yakap yakap ko na siya ngayon at agad na nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya nang makita niya ang namumutlang mukha ko.

Napatili kami ni Mikaela nang biglang may humila sakin at sa isang iglap nasa sahig na si Adonis dahil sa sapak sa kanya ng walang kwenta naming ama.

"Adonis!/Xandra!" sabay na tawag ni Mikaela at Van

Mabuti nalang at nasa taas ang mga barkada ni Adonis. At mabuti nalang wala dito si Devon.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now