Chapter 2

151K 3K 445
                                    

Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay google. Hahahahaha. That's Enrique Van Lewis on the media..... *Bang!*

Zea's POV

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ng elevator paakyat sa opisina niya. First day ko ngayon at hindi ko alam ang mangyayari pagkapasok ko sa elevator na to.

May private elevator na tanging ang gumagamit lang ay si Sir Enrique kasama ang bodyguards niya. Kalalaking tao may bodyguards. Hmp.

"Hi. I'm Zea Alexandra Montemayor." bati ko doon sa babae na siyang mag-a-assist sakin

"Oh. Buti nandito ka na. I'm Cecilia." bati nito

Ang edad nito ay mukhang nasa 40's na. Siya ang head ng HR. Sinabi niya sakin ang mga dapat kong gawin.

Nilibot din niya ako sa buong floor. May mga nakilala ako at nakaibigan. Mababait naman ang ilan sa kanila.

"Maiwan na kita rito, Zea. Mag-report ka muna kay Sir Enrique bago ka kumain ng lunch."

"Sige po. Salamat ate Cecilia." nakangiting sabi ko

Nagpaalam na ito kaya naupo na ako at napainat. Napagod ako sa kakalakad at kakangiti.

Kailangan ko palang magreport kay Sir Enrique bago ako maglunch. Tumayo na ako at nagtungo sa pinto ng opisina niya. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

Unang bumungad sakin ang malapad na dibdib na natatakpan ng mamahaling necktie at polo. Amoy na amoy ko rin ang pabango nito. Pabango na matagal na niyang ginagamit.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko at napatitig ako sa pamilyar na kulay tsokolateng matang nakatitig sakin.

"X-Xandra...."

Bigla akong napaiwas ng tingin nang marinig ng boses niya at ang pangalan na tinawag niya sakin. Wala siyang karapatan na tawagin pa akong Xandra. Nandito ako para magtrabaho. Yun lang.

"It's Zea, Sir. Mauna na po ako para maglunch." paalam ko at mabilis na umalis

Bumaba ako sa cafeteria na nasa 3rd floor. Tatlo kasi ang cafeteria dito sa loob ng kompanya. Sa first floor, second at third floor. Marami kasing empleyado.

Nakita ko yung nakilala ko kahapon. Si Julie. Naupo ako sa tabi niya dahil mag-isa lang siya.

"Oy. Ikaw pala. Sabay ka na." sabi nito

Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na ring kumain.

"Bakit mag-isa ka?" tanong ko rito

"Wala akong halos kaibigan dito eh. Bago lang din kasi ako." sagot nito

Nagkwentuhan pa kami dahil isang oras naman ang break namin at doon ko nalaman na may asawa at anak na pala ito. May isa siyang anak na lalaki na limang taong gulang.

Nang matapos kami ay sabay na kami na bumalik sa taas. Sa 60th floor ang opisina ng CEO kaya doon ako pero si Julie sa 59th floor siya.

Naupo na ako sa upuan ko at nagsimulang magtipa ng keyboard. Gusto ko kasing matapos na ang ginagawa ko para hindi ako matambakan. Isang oras pa ang lumipas nang mapansin ko na parang hindi lumabas ng opisina si Sir Enrique.

Kumain na kaya siya? Baka kasi hindi pa siya naglunch tapos mamatay siya. Kargo de konsensya ko pa.

"Kuyang bodyguard!" tawag ko dun sa isa sa mga bodyguard ni boss na nakatayo sa gilid

Dalawa silang bodyguard na nasa labas at yung malapit sakin ang tinawag ko. Alangan namang yung malayo sakin diba? Effort naman nun.

"Tawag niyo po ako, ma'am?" tanong nito

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon