Episode 28: Ako na bahala dyan

38 3 1
                                    

Ang bell na hudyat ng uwian ay tumunog na ngunit nag instruct si Lanz sa buong klase na wala munang uuwi dahil pag uusapan pa nila ang gagawin sa students week na gaganapin sa buwan ng Oktubre. Lumapit sina Hailey at Kate sa harap dahil sila ay class officers. Lumapit din si Alexis dahil siya ay volunteer assistant head ng marriage booth nila. Sinimulan na ang short meeting.

"Okay guys! Sino ba ang pwede mag asikaso sa props at costumes ng bride at groom? Sino ba satin ang marunong magtahi?" masiglang tanong ni Lanz.

"Kami na lang," nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase niyang babae at tinuro din niya ang kaibigan niya na marunong magtahi.

"Sure! Thanks ah! Sino naman ang pwedeng mag decorate sa room? Syempre kailangan romantic dahil ikakasal sila!"

"Kami na, kami na!" Nagtaas naman ng kamay ang karamihan sa boys.

"Sige, sige thanks! Sino naman ang may magandang camera diyan? Para sa documentation!"

"Ako na bahala diyan," volunteer ni Alexis. Nagkaroon ng katahimikan sa buong klase. Hindi pa din sila sanay sa kanya.

"Ohh... sige thanks Alexis!" sagot ni Lanz ng nakangiti. "Ikaw na lang bantay sa kikitain natin Szanon? Mag palitan na lang kayo ng shift ni Kate. Ikaw sa umaga, si Kate sa hapon?" habol at suggestion ni Lanz sa dalawa.

"Sige lang," sagot ni Kate, at si Hailey naman ay nag nod lang.

"Salamat sa lahat ng nag volunteer! Magtulungan na lang tayong lahat ah? Tara uwian na! Let's make our last year awesome!!!" sabi ni Lanz na puno ng excitement.

"Oo!" at saka sila nag uwian.

Agad naman na tinignan ni Lanz si Kate para yayain siya sa date ngayon dahil araw ng kaarawan niya. Nang magkayayaan ay pumayag na din si Kate para i-celebrate ang espesyal na araw ni Lanz.

Sa kabilang banda naman, napansin ni Hailey na kinuha ni Alexis ang bag niya para makaalis na, kaya naman pinigilan niya siya.

Masayang malaman na si Alexis ay nagbabago na. Naging tahimik sa high school department ng Alexavier University at ito ang ikinaliligaya ng lahat ng faculty and staffs. Pero kahit na tahimik na sa AU, hindi pa din mapakali ang ilan sa mga estudyante dahil minsan sa uwian, nakikita nila si Alexis na may kaharap na mga kaaway, at kapag nakikita nila ito, umaalis sila agad sa lugar na iyon para makaiwas sa gulo. Naobserbahan ito ni Hailey kaya naman sa mga susunod na araw, susubukan niyang umuwi kasabay si Alexis.

"A-Alexis!"

"Ano?" sagot ni Alexis sa kanya.

"Uhhh... okay lang sumabay sayo umuwi?"

"Hindi. Dadaan akong sementeryo ngayon."

Biglang nagkaroon ng ideya si Hailey.

"Tamang tama. Iniisip ko din dumaan doon ngayon," sabi ni Hailey, hindi nagpapahalata na ngayon niya lang naisip ang ideya na iyan. Wala namang nagawa si Alexis kaya pumayag na lang siya.

"Bahala ka."

Lumabas na ang dalawa papuntang sementeryo para dalawin ang mga mahal nila sa buhay.

---

Si Lanz at Kate ay nakarating na sa bahay nila Lanz para ipakilala si Kate sa pamilya niya. Palaging kinekwento ni Lanz si Kate sa kanyang pamilya at excited na sila ma meet ang taong dahilan kung bakit inspired na inspired ang anak nilang si Lanz.

"Ready ka na?" kabadong tanong ni Lanz.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo," tugon ni Kate.

"Sige, sige pasok na tayo..." Binuksan ni Lanz ang pintuan ng bahay nila. "Ma! Nandito na kami!"

Narinig nilang pareho ang tugon ng nanay ni Lanz.

"Lanz-"

Napahinto ang nanay ni Lanz nang makita niya si Kate. Siya ay nabighani sa pagka simpleng dalaga niya, dahil hindi niya inaasahan na ang taong nagugutsuhan ni Lanz ay ganitong klase ng babae.

"H-Hello..." sa bighani ng kanyang ina ay hindi niya siya nabati ng maayos.

"Good afternoon po." Bati ni Kate. Tinitigan lang ni Lanz si Kate ang nanay niya.

"Oh tara pasok na!" anyaya ng kanyang ina.

Pinatong muna nila ang kanilang mga gamit sa sahig ng sala nina Lanz. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang nakababatang babaeng kapatid na si Elise.

"Kuya Lanz!!!"

"Elise!!!"

Natuwa si Kate na makita ang scenario na ito. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang mga kuya ay sweet sa kanilang mga nakababatang kapatid?

Niyaya na sila ng nanay ni Lanz sa hapag-kainan para makapag celebrate ng kanyang kaarawan ngunit hindi pa din nila napigilang mag-usap.

"Hello, Elise." Nakangiti na binati ni Kate ang cute na kapatid ni Lanz.

"Hello din po. Ano po'ng pangalan ninyo?" tanong ni Elise.

"Ako si ate Kate," sagot niya ng nakangiti.

"Ahhh! Kayo po yung laging kinekwento ni kuya Lanz sa akin! Ang ganda niyo po pala talaga..."

"H-Hoy Elise! Shh!" tinakpan ni Lanz ang bibig ng kanyang kapatid dahil nahihiya siya dahil sa mga sinasabi nito. Hindi naman napigilang matawa ng nanay niya na busy maghain sa lamesa ng pagkain. Hindi tuloy makatingin si Lanz ng derecho kay Kate. Si Kate naman ay kitang-kita na natutuwa sa mga nangyayari.

"Nasaan ang tatay mo Lanz?" bulong ni Kate.

"Nasa trabaho pa. Pauwi na din 'yun!" tugon ni Lanz, nakangiti at naka thumbs up, namumula pa din. "Tara kain na tayo!"

Umupo na sila; magkatabi si Kate at si Lanz. Katabi naman ni Kate si Elise. Mukhang gustong-gusto niya si Kate. Kaharap naman nilang ang nanay ni Lanz.

Kinantahan na nila ng happy birthday song si Lanz at kumain na sila. Hindi mawala sa mukha ni Lanza ng ngiti. Sa kalagitnaan ng kanilang pag kain, nagsimula na magtanong ang nanay ni Lanz.

"Kate, ano ang nagustuhan mo sa anak ko?"

Nabuga bigla ni Lanz ang kinakain niya at napa ubo.

"M-Ma?!" reaksyon ni Lanz. Natawa ang kapatid niya. Pinipigilan ni Kate na tumawa. Pero makikita mo sa mukha ni Lanz na curious din siya sa magiging sagot ni Kate.

"Uhmm... isa po sa mga bagay na gusto ko kay Lanz ay kapag mayroon siyang gustong mangyari, gagawa at gagawa siya na paraan para mangyari ang bagay na 'yon..." seryosong sagot ni Kate, hindi umaalis ang tingin sa nanay ni Lanz.

Biglang nagkaroon ng tahimik ng katahimikan.

"Masipag po pala si kuya Lanz sa school?" tanong ni Elise.

"Haha... oo Elise. Kaya siya hindi maalis sa section 1 kasi masipag ang kuya Lanz mo."

Mula sa mga pinagsasasabing ito ni Kate ay hindi mapigilan ni Lanz na mamula ang mukha niya. Nakita naman siya ng nanay niya na namumula kaya nagsimula na siyang matawa.

"Nako tignan mo ikaw Lanz. Kilig na kilig ka ah..." biro ng kanyang nanay.

"Ma?! Ano ba!!!"

At tumawa silang lahat.

Tinuloy na nila ang pagkain at hindi din nag tagal, dumating na din ang tatay ni Lanz.

"I'm home," sigaw ng kanyang tatay.

"Oh, andyan na si Daddy!" bulong ng nanay ni Lanz kay Elise.

"Daddy!!!" at sinalubong niya din ng yakap ang kanyang tatay.

Napaka sweet na anak ni Elise. Dito napagtanto ni Kate na kaya palaging masaya si Lanz ay dahil sa pamilya niya na hindi nawawala ang ngiti sa mukha kahit na marami ng kinakaharap na problema.

Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon