Episode 23: Oo nga, nandito siya.

39 3 0
                                    

Sumapit na ang alas kwatro ng hapon at awarding na para sa lahat ng competition ng academic week. Lahat ng estudyante ng high school ay nasa loob na ng gymmnasium, nakapila na ng maayos at nag-iintay na lang magsimula ang program. Kasama na dito ang section 1 ng 12th grade, kung saan kabilang sina Hailey, Lanz at Kate. Nandito na din ang mga adviser ng lahat ng sections. As usual, wala si Alexis dahil ayaw niya sa mga ganitong klase ng bagay.

"Hihilahin lang naman kita papuntang gymnasium," hamon ni Ms. De Berry sa Icerage Princess sabay hablot sa braso niya.

"Ma'am!? Bitawan ninyo ko! Ayoko nga pumunta 'don eh!!!" sigaw ni Alexis, habang inaalis sa kamay niya ang mahigpit na nakakapit na kamay ni Ms. De Berry.

"Isa! Tumayo ka na diyan. Kapag napuruhan ka ulit, hindi na kita aasikasuhin. Bahala ka mag gamot sa sarili mo." Seryosong sinabi ni Ms. De Berry, at totohanan ito. Hindi siya nagbibiro.

"Ma'am! Alam mo malakas ako 'di ba?! Kaya kong makaalis dito sa pagkakahawak ninyo sakin, pero hindi ko ginagawa kasi ayokong masaktan kayo!" pilit ni Alexis, at pagpapakita ng pagpapahalaga kay Ms. De Berry.

"Good. Now, I double dare you." Ngunit nagmamatigas din si Ms. De Berry, ayaw niya magpatalo kay Alexis. Ganito lang naman kataas ang kagustuhan niya na sumama si Alexis sa awarding.

"Ahhhh!!!!" sumigaw si Alexis, at hindi na siya pumalag pa. "Oo na panalo na kayo!!! Bitawan niyo na ko!"

Napangiti naman si Ms. De Berry dahil sa wakas ay napilit niya na si Alexis.

"Hindi. Tayong dalawa ang pupunta sa gymnasium. Tara na, matutuwa ang kuya mo pag nakita ka niya doon dahil champion ka!"

"Ha?!" Nagpakita naman ng clueless na mukha si Alexis mula sa sinabi ni Ms. De Berry. Hinila niya na siya at papunta na sila ngayon sa gymnasium.

Tinawag na ang Principal na si Mr. Alexander Go para sa opening remarks. Hindi na naman nakapag pigil sa pag hiyaw ang mga fangirls niya na estudyante dahil sa batang itsura niya kahit na 34 years old na siya.

"Good afternoon sa ating lahat. Unang una, binabati ko kayo dahil sa pinakita ninyong talino sa lahat ng activities natin this week, lalo na sa quiz bee na kung saan nag participate lahat ng section ng high school, from 7th grade hanggang 12th grade. Successful na naman ang ating annual academic week ng dahil sa inyong lahat. Congratulations to everyone!" 'yan ang maikling speech ni Mr. Go. Hindi siya sanay magbigay ng mahabang speech dahil siya ay straightforward na tao. Kung ano ang dapat niyang sabihin, 'yun lang ang sinasabi niya.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante after niya magsalita, at naghiyawan ang mga fangirls niyang estudyante.

"Ang gwapo talaga ni Mr. Go!!!"

"Single pa siya 'di ba?? Sir intayin niyo lang ako maka graduate papakasalan ko kayo!!!" hindi na talaga sila nakapag pigil ng kilig nila.

Nagsimula na ang awarding. Kasama si Mr. Go sa mga mag aabot sa kanila ng certificates. Sa ngayon, ang tinatawag ng master of ceremony ay ang 4th place hanggang champion ng bawat competition ng quiz bee.

"Mukhang hindi talaga siya pupunta..." sabi ni Hailey sa sarili niya.

"Hayaan mo na, Szanon! Tayo na lang..." sinabi ni Lanz sa kanya. Wala siyang nakuhang reaksyon mula sa kaibigan. Si Kate naman ay tahimik lang na nag-iintay na tawagin sila.

Sa kabilang banda, nagmamadali na si Ms. De Berry na makarating ng gymnasium at si Alexis naman ay walang interes na nakasunod lang sa kanya dahil 'di naman siya makawala. Mahigpit pa din ang hawak sa kanya ni Ms. De Berry.

"Bilisan mo nga maglakad Alexis!" sigaw niya, pero walang imik si Alexis at kumunot lang ang noo niya sa pagkairita.

Mula sa labas ay naririnig nila ang mc na nag a-award. Tapos na tawagin ang awardees ng 7th grade hanggang 11th grade.

Unintentional GameWhere stories live. Discover now