Episode 4: Wala akong gusto sa kanya

129 5 4
                                    

Pagkatapos niya punasan ang sugat ni Alexis ay iniwan niya muna siya at nag desisyon siya na bumalik na sa klase.

"Sana ay magkamalay ka na."

'Yan ang mga huling salita ni Hailey bago niya iwan si Alexis.

Ngunit sa pagbukas niya ng pintuan ng clinic para siya ay makalabas ay nakasalubong niya ang school nurse na si Ms. De Berry.

"Oh, hello. What brings you here, Mr. de la Vega?" Tanong ni Ms. De Berry.

"My classmate got into a fight, Ma'am." Sagot naman si Hailey.

"Who?"

"Alexis Go, Ma'am."

Makikita mo sa mukha ni Ms. De Berry na hindi siya gulat na para bang lagi nang napupunta sa clinic si Alexis.

"So, you brought her here all by yourself?" Tanong niya uli.

"Yes, Ma'am."

Napangiti si Ms. De Berry at pabiro niyang sinabi, "Ang lakas mo para buhatin siya ng ikaw lang."

Napangiti naman si Hailey.

"Alam mo ba, lagi siyang nandito..." habol ni Ms. De Berry na may medyo may malungkot na mukha. Tahimik lang na nakikinig si Hailey.

"Wala siyang kaibigan. Ako lang ang palagi niyang kausap sa school na 'to. Hindi siya nakikipag kaibigan at walang nakikipag kaibigan sa kanya. Palagi siyang mag isa."

Tahimik pa din na nakikinig si Hailey, wala siyang masabi.

"At sa tuwing napapa-away siya ay lagi siyang pumupunta dito sa clinic para magpagamot sa akin. Araw araw na lang siyang may sugat."

"Ang kuya niya po ang Principal ng school 'di ba? At ang tatay niya naman ang Director? Hindi ba sila nagkakausap?" Tanong ni Hailey sa kanya.

"Sa totoo lang, 'yan ang naiisip kong dahilan kung bakit nga ba nagkakaganyan si Alexis. Noong bata pa siya, hindi naman siya ganyan. Mabait siya at masipag sa pag aaral. Masyado na akong matanda sa paaralan na ito para hindi mapansin ang malaking pinagbago ni Alexis. Simula ng maging sobrang abala ng Director at ng Principal ay nagkaganyan na siya."

Tahimik lang si Hailey na para bang alam niya na ang isasagot ni Ms. De Berry sa kanyang tanong.

"Kung kaya mo, sana ay kaibiganin mo siya, dahil 'yun talaga ang kailangan niya. Lahat tayo, kailangan ng kahit isang tao na pwede nating sandalan, at nakakalungkot dahil wala si Alexis niyan."

Walang maisagot si Hailey sa kanya.

"Oh, sige na. Bumalik ka na sa klase. Salamat sa pagdala sa kanya dito."

"You're welcome, Ma'am. Babalik po ako mamaya para tignan siya."

"Sige. Salamat.." Nakangiting sinabi ni Ms. De Berry.

Lumabas na ng clinic si Hailey. Sa pagbalik niya ng classroom nila ay 'di niya na naabutan ang meeting para sa Academic Week. Mukhang naka alis na din si Ms. Tampelix. Nakita siya ng kaibigan niyang si Lanz kaya kinuha niya ang kanyang atensyon.

"Hoy, Szanon! Ano?! Kamusta?!" Natatarantang pagtatanong na naman ni Lanz.

"Wala pa din siyang malay. Sana magkamalay na siya mamaya." Kalmadong sagot naman ni Hailey.

"Kasi naman, umagang umaga bakit ba siya naghamon ng away dun sa mga lalaking yun?! Eh anlalaki nila! Mas matangkad pa ata sa poste eh! Isa pa, babae siya! Bakit ba kasi ang lakas niya maghamon sa mga lalaki?!" Ang walang tigil na pagsasalita ni Lanz.

"Tama na, Lanz. Ang mahalaga ngayon, magkamalay na siya." Seryosong sagot ni Hailey.

"....sige." napatungo na lang si Lanz at tumahimik.

Pagkatapos nilang mag usap ay nilapitan naman siya ng kanyang mga kaklase.

"Szanon! Ikaw ha! May gusto ka ba kay Alexis?!"

"Wala akong gusto sa kanya." Mabilis na sumagot naman si Hailey.

"Nakakakilig kayo kanina nung binuhat mo siya!!!" Naghiyawan na naman ang mga kaklase niyang babae.

"Kill joy talaga si Ms. Tampelix! Patahimikin ba naman kami habang kinikilig sa pagbuhat mo kay Alexis! Hmph!"

"Uhmmm..." Wala ng maisagot si Hailey sa kanila.

"Hindi nga?! Umamin ka na! Ayiieeeeeeee!!!" Pilit ng kanyang mga kaklaseng babae.

"Sabi ko nga sa inyo, wala nga akong gusto sa kanya." Pilit din na sinagot ni Hailey.

At humirit na lang ang kanyang mga kaklaseng babae, "Oh, sige. Tayo na lang Hailey kung ayaw mo kay Icerage Princess!"

Halata na pagbibiro ng kanyang mga kaklaseng babae.

"....Ah.. Excuse me. Kailangan ko pa kausapin si Vice President tungkol sa meeting kanina. Sige mamaya na lang." Nagmadaling tumakas si Hailey sa kanyang pwesto at nilapitan ang table ni Vice President na si Kate Villanueva.

"Uhmm, Kate-"

Bumukas ang pinto ng classroom nila at ang second period teacher ay pumasok na.

Naputol ang pagsasalita ni Hailey.

"Uhmm.. Sige mamaya na lang tayo mag usap."

"Sige." Sagot naman ni Kate.

"Everyone, please take your seats. We will now start our class."

Naging maayos ang takbo ng second subject class. Naging maayos din ang takbo ng mga sumunod na klase. Hanggang sa natapos na ang huling subject ay hindi pa din bumabalik sa klase si Alexis.



Unintentional GameWhere stories live. Discover now