Episode 2: Umalis ka sa dinadaanan ko

196 6 6
                                    

Nakaupo si Hailey at Alexis sa pinakalikod. Minsan ay maririnig mo na sisigawan ni Alexis si Hailey tuwing nagka-klase at nagugulat na lamang ang kanilang mga guro at kaklase.

August 2020 ng Martes, habang pumipila sa canteen sina Hailey at ang kaklase niya na si Lanz para bumili ng tanghalian ay napansin na naman nila na nagkakagulo sa buong canteen dahil kay Alexis.

"Si.. si.. Icerage Princess! Padaanin ninyo! 'Wag kayo humarang sa daan kung ayaw ninyo masaktan! Save yourselves!" Sigaw ng isang estudyante habang natataranta. "Andyan na si Icerage Pri-"

Lumapit si Alexis sa estudyanteng sumisigaw.

"Hoy..." Hinawakan at hinila niya ang kwelyo nito at tinakot, "Anong pinagsisisigaw mo diyan?"

Icerage Princess ang bansag sa kanya ng buong school dahil sa malamig niyang pakikitungo sa mga nakapaligid sa kanya, at dahil sa pasensya niya na mabilis maubos.

"Nako po..." Napabuntong-hininga si Lanz. "Alexis strikes again. Buti natitiis mo siyang katabi, Szanon? Ilang taon na kaya kayong pinagtatabi ng mga teacher natin."

Walang sinagot si Hailey kay Lanz. Nakatingin lang siya ng maigi sa mga nangyayari. Ang mga estudyante ay gumawa ng malaking bilog, nagkakagulo, at nasa loob si Alexis at ang estudyante na sumisigaw kanina.

"W-wala! Wala po!!! 'Wag mo ko saktan, please!!!" Nanginginig sa takot na sinigaw ng estudyante na hawak hawak ni Alexis sa kwelyo.

"Shit just got real..." Sabi ni Lanz habang nagbabayad sa cashier ng canteen. Biglang may mga guro na dumating.

"Anong kaguluhan na naman ito?!" Sigaw ng isang lalaking guro sa grupo ng mga estudyante na nagkukumpo-kumpol. Nang marinig ni Alexis ang sigaw ng isang guro ay binitawan niya na ang kwelyo nito ngunit tinulak niya pa ito.

Pinapanood lang ni Hailey ng maigi ang mga pangyayari. Ni minsan ay hindi siya kumibo o nangielam sa mga napapanood niyang gulo na sinisimulan ni Alexis.

"Tara na. Sa hagdanan ng third floor tayo kumain." Sabi ni Hailey.

"Ahh.. Sige..." Sagot naman ni Lanz.

Pagkatapos magbayad ni Lanz at Hailey ay umakyat na sila para kumain. Huminto na din ang ingay na nagaganap at unti-unti na nagsisibalikan sa room ang mga estudyante. Naiwan naman ang iba para kumakain.

Palaging napapanood ni Hailey si Alexis makipag away. Minsan sa gilid ng building ng school ay mapapadaan siya. Makikita niya si Alexis na nanggugulpi ng mga lalaking estudyante. Nakakaawa sila dahil hindi nila magawang magsumbong dahil ang Principal ng school ay ang kuya ni Alexis. Sa pagsangkot ni Alexis sa gulo ay lagi din naman niyang napapansin si Hailey na nanonood at sa tuwing magkakatinginan sila ay laging titignan ng masama ni Alexis si Hailey. Sa oras na tignan siya ng masama ni Alexis ay umaalis na agad siya at bumabalik na lang siya sa classroom.

Lunch break pa din, naka akyat na sina Hailey at Lanz at pumwesto sila sa hagdanan para kumain. Biglang napatanong si Lanz kay Hailey.

"Szanon, matanong ko lang. Napapansin ko na lagi mong tinitignan si Alexis. May problema ka ba sa kanya?" Tanong ni Lanz habang iniinom niya ang kanyang inumin.

"Wala naman. Pero alam kong napapaisip ka ano ang dahilan at kung bakit siya nagkakaganito." Sagot ni Hailey.

"Oo minsan. Pero hindi ako gaano ka interesado. Ikaw ba?" Tanong uli ni Lanz.

"Interesado ako."

Nagulat si Lanz sa kanyang narinig na muntik niya na mabuga kay Hailey ang kanyang inumin. Hindi niya inaasahan na interesado si Hailey sa buhay ni Alexis.

"At bakit naman?!"

"Hindi ko kailangan ng dahilan para kilalanin ang isang tao. May mga bagay lang talaga sa mundong 'to na gusto natin malaman ang kasagutan." Sagot ni Hailey.

"......" Nagkatitigan pa si Lanz at Hailey ng mga limang segundo. "Aba, at bumabanat ka pa ha?"

Napangiti lang si Hailey.

Nagkwetuhan sila at kumain ng madami. Pagkatapos nila kumain ay nag decide sila na bumalik na sa kanilang classroom.

"Tara na nga sa room, Szanon." Anyaya ni Lanz, at sila ay tumayo na mula sa pagkakaupo sa hagdanan ng third floor.

"Sige-" napahinto si Hailey ng makita niya si Alexis. Their eyes met, at tinitigan na naman ng masama ni Alexis si Hailey. Hindi pa din nakaka alis sa hagdanan sila Hailey. Unti-unting umaakyat papalapit si Alexis sa kanila at mukhang paakyat siya sa fourth floor.

Umiwas na si Lanz at si Hailey ay nakatayo pa din sa hagdanan. "Tara na Szanon! Baka malagot pa tayo pag tumagal pa tayo dito!" Bulong ni Lanz kay Hailey.

"Umalis ka nga sa dinadaanan ko." Sinabi ni Alexis kay Hailey ng may masamang tingin at tono.

"Uhmm.." Nag iisip si Hailey, na para bang may gusto siyang sabihin kay Alexis.

"Tabi!!!" Sumigaw si Alexis, lumakad siya, at binangga niya si Hailey sa braso ng malakas! Na out of balance si Hailey at nadulas siya sa hagdanan!

"U-Ugh!!" reaksyon ni Hailey nang dumulas siya sa hagdanan.

"Szanon!!" Sinubukan saluhin ni Lanz si Hailey pero nahuli siya.

"Ayaw mo kasi tumabi." Bulong ni Alexis at umakyat na siya ng fourth floor.

"Hoy Szanon! Okay ka lang?! Masama yung bagsak ng pwet mo eh!" Tanong ng natataranta na si Lanz.

"Okay lang ako... 'Wag ka mag alala..." Sagot ni Hailey. "Haha.."

Nagulat na naman si Lanz. Mukhang ito ang unang beses na makita niyang matawa si Hailey.

"Matindi ka pala Szanon..."

Unintentional GameWhere stories live. Discover now