Episode 18: Simulan na natin 'tong kalokohan na 'to

36 2 0
                                    

Mula sa pagkahiga ay bumangon na si Alexis at umupo sa kama niya ng saglit at nakatulalang nag isip-isip. Kahit na ngayon na ang simula ng quiz bee nila ay tinatamad pa din siyang pumasok.

"Bakit ba masyado na akong na b-bother sa mga nangyayari sa school ngayon?! Hindi naman ako ganito dati," tila nagagalit ang prinsesa sa sarili niya dahil hindi niya alam ang nangyayari sa kanya.

Kahit na naiinis siya ay nag-decide siya na kumilos na para maka-attend ng quiz bee nila.

Time check. 9:00 A.M na at wala pa ding balita si Ms. De Berry, Hailey at Lanz kay Alexis na walang kaalam-alam na quiz bee na pala nila ngayong araw.

"Ano na ang gagawin ninyo ngayon? Paano pag hindi siya umabot?" tanong ni Ms. De Berry sa dalawang binata.

"Wala na Ma'am... disqualified na kami..." malungkot na sagot ni Lanz. "Ma'am... pwede ba nating tawagan uli si Alexis?" request niya.

"Sige." At nag dial uli si Ms. De Berry sa kanyang phone.

Sa pag ring ng dalawang beses ay sumagot na agad si Alexis sa tawag.

"Nasaan ka na Alexis?"

"Papunta na. Nagpahatid na lang ako sa driver namin... kahit na ayokong magpahatid."

"Good. Ang mahalaga makarating ka dito on time."

Hindi na sumagot si Alexis pabalik at ibinaba niya na lang ang telepono niya. Agad namang nagtanong si Lanz tungkol sa napag usapan nila.

"Ma'am ano daw sabi niya?"

"Papunta na siya. Nagpahatid sa driver niya," sa mga sinabi ni Ms. De Berry ay napangiti ang dalawa sa tuwa.

"Yes! Sana makarating na siya agad dito!" natutuwang reaksyon ni Lanz.

"Pero kung manggagaling siya ng McLaine Executive Village, kaya niyang makarating dito within 30 minutes kung walang traffic. Pero kung meron, mas matagal pa..." pag iisip ni Hailey ng malalim sa sitwasyon.

"Ha?! Eh 9:10 A.M na! Akala ko pa naman wala na tayong magiging problema!" napahawak si Lanz sa ulo niya sa taranta.

"Relax ka lang Mr. Basa."

"Ma'am paanong relax eh baka hindi na siya umabot!" sigaw niya.

"Yung driver ni Alexis. Kilala ko siya mag drive. Nakakatakot, na hindi mo na gugustuhing sumakay uli." Kinilabutan naman ang dalawa sa takot.

Sa kabilang banda, traffic na nga sa labas, gaya ng inaasahan. Maraming bumubusina na sasakyan, napaka ingay sa labas. Mukhang walang pakialam si Alexis kahit na ma late pa siya.

"Miss Alexis. Dadaan na po tayo ng shortcut," sabi ng kanyang driver na naka puting polo, naka itim na necktie at slacks, naka tuxedo at naka shades.

"Bahala ka. Wala naman akong pakialam kung umabot ako o hindi," tugon niya sa driver.

"Kung maari lang po ay mag seatbelt na kayo Miss Alexis," request ng kanyang driver.

"Okay okay..." pagka seatbelt ni Alexis ay agad namang humarurot ang sasakyan nila. Napaatras naman ang likod ni Alexis sa upuan! Hindi mo maiintindihan ang mukhang ipinapakita ni Alexis ngayon. Nakahawak siya ng maigi sa seatbelt niya na para bang nasa roller coaster siya.

Agad na naghanap ang driver niya ng subdivision na paglabas ay Alexavier Univeristy na. Kahit na madaming humps na nadadaanan ay dere-derecho pa din ang driver niya sa pag d-drive! Hindi siya pumepreno!

"Hoy mag dahan-dahan ka naman!!!" sinigawan ni Alexis ang driver niya.

"Pasensya na po Miss Alexis, pero hindi kayo aabot kung magdadahan-dahan ako," kalmadong tugon ng kanyang driver.

Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon