Episode 22: Nakakairita talaga

21 3 0
                                    

Kahit na ilang beses na siyang pinagtatabuyan at sinasaktan ni Alexis ay nandito pa din siya lagi para sa kanya. Kahit na nagmumukha na siyang kaawa-awa dahil lagi sa ginagawa niya ay umaasa siya na may mababago kay Alexis, kahit na kaunti lamang.

Ngayon ay nagtataka si Hailey kung bakit huminto si Alexis sa pagkain niya ng siomai niya. Iniisip niya na baka may nasabi na naman siya na hindi nagustuhan ni Alexis.

"S-Sorry... Siguradong hindi mo na naman gusto ang sinabi ko-"

"Alam mo naman pala eh! Edi tantanan mo na ko!!!" pasigaw niyang sinabi, at tumayo si Alexis sa kinauupuan niya. Tinapon niya ang pagkain niya sa sahig at nag walk-out. Nagulat si Hailey sa naging aksyong ito ni Alexis. 

Palaging napapanood ni Hailey si Alexis na makipag-away. Lahat ng away niya sa school ay hindi talaga basta-basta lang. Laging may uuwing duguan. Siya ay pinag aral ng nanay niya ng martial arts noong 4th grade, kaya naman malakas talaga siya. Ngunit hindi ito ginagamit ni Alexis sa tama. Ito ay dapat lang sa pag self-defense. Ginagamit ito ni Alexis sa hindi magandang paraan at 'yun ang makipag-away kung kani-kanino.

Sa pag walk-out niya, hindi na nakapagsalita si Hailey at hindi niya na hinabol pa si Alexis. Ngunit dahil dito, may napapansin na naman siya. Napansin niya na kahit lagi siyang nakasunod kay Alexis ay hindi niya na siya masyadong nananakit ng matindi. Hindi niya na din gaanong nakikita na dala niya ang kahoy na panghampas niya. Hindi lang sa kanya, ngunit pati na din ang ibang estudyante ay hindi na din siya gaanong nananakit. Ano nga kaya ang pumasok sa isip ni Alexis at nag hinay-hinay siya ngayon?

"Possible kaya na nagbabago na siya?" 'yan ang tanong ni Hailey sa sarili niya. 

Pabalik na siya sa kainan kung saan niya iniwan si Lanz at Kate.

Sa kabilang banda, sobrang tahimik ni Lanz at Kate. Tapos na silang dalawa na kumain at hinihintay na lang nila si Hailey na makabalik. Kukunin na sana ni Lanz ang phone niya para tawagan si Hailey pero bigla siyang kinausap ni Kate kaya napahinto siya.

"Anong problema mo?" nakatingin siya ng derecho kay Lanz.

Imbis na kabahan si Lanz dahil sa tanong niya ay namula pa siya at kinilig ng kaunti dahil ito ang unang beses na una siyang kinausap ni Kate dahil laging siya ang nag-iisip ng topic.

"Ahh... uhmm.. ano..." nauutal si Lanz, hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang tunay na dahilan bakit siya tahimik ngayon o hindi dahil hindi siya handa na marinig ang sasabihin ni Kate.

"H-Hindi ko alam kung handa na ba ako na sabihin 'to ngayon-"

"Edi may problema ka nga. Kanina mo pa kasi sinasabi kay Szanon na wala kang problema tapos ngayon sasabihin mo meron. Mga lalaki talaga..." walang preno na sinabi Kate. Bigla naman nahiya si Lanz.

"S-Sorry... hindi lang talaga ako komportable na ikwento sa harap ni Szanon 'to..." tugon niya pabalik. "K-Kung okay lang sayo... mamaya.. sa bonfire night doon ko ikekwento..." nadulas si Lanz at nasabi niya ang nasa isip niya ng hindi nagdadalawang-isip.

Tahimik lang si Kate, hindi pa nagbibigay ng sagot.

"S-Sorry! Alam kong hindi ka papayag... ahahaha-"

"Sige."

Mula sa pagtawa at pagkamot sa ulo niya ay napahinto si Lanz, at makikita mo ang nahihiyang ngiti niya sa kanyang mukha. Parang gusto niyang sumabog sa saya dahil sa sagot ni Kate.

"T-Talaga Kate?!" hindi siya makapaniwala.

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko," pagtataray niya, ngunit 'di mawala ang nararamdamang saya ni Lanz.

Sa wakas ay dumating na din si Hailey.

"Oh kamusta? Napilit mo si Alexis?" nakangiting tanong ni Lanz kay Hailey. Bigla naman siyang nagtaka kung paano bumalik ang sigla ni Lanz.

"Nasabihan ko siya, pero sabi niya ayaw niya kasi ayaw niya sa maraming tao," tugon ni Hailey.

"Ahh. Okay. Well, kung sa quiz bee napilit natin siya, sa tingin ko hindi na natin siya mapipilit sa awarding so... tara na?" anyaya ni Lanz at nauna na siyang lumakad.

"Okay..." sa paglayo ni Lanz ay bumulong si Hailey kay Kate.

"Anong nangyari? Kanina lang tahimik siya ah?"

"Ewan ko," tugon ni Kate, at sinundan na nila si Lanz na pabalik ng classroom para intayin mag 4PM para sa awarding.

Sa kabilang banda, tumambay naman si Alexis sa clinic para lang may makausap. Nakaupo siya sa isa sa mga kama ng clinic.

"Congratulations, Alexis! Champion kayo sa quiz bee. Muntik ka na ma late, buti na lang hinatid ka ng driver mo." Masiglang bati sa kanya ni Ms. De Berry.

"Nakakabwiset 'yung driver talaga naming 'yon. Para akong nasa roller coaster! Hindi na ko uli sasakay 'don!" naalala na naman ni Alexis ang experience na 'iyon.

"Pero ang galing ninyo talaga sa quiz bee! Kahit na ganyan ka, alam ko namang nag-aaral ka ng maayos," sabi ni Ms. De Berry ng nakangiti, proud na proud.

"Tss. Yung nakakairitang ka-partner ko lang naman yung nagsagot halos doon. Nakakainis, hindi ko alam kung paano niya nagagawang mag-isip ng mabilis, lalo na sa Math!" natatawa naman si Ms. De Berry sa mga sinasabing ito ni Alexis.

"Si Szanon de la Vega? Tanungin mo siya kung paano niya ginagawa 'yun. Seatmates kayo since 7th grade 'di ba?" tanong na may halong biro ni Ms. De Berry kay Alexis.

"'Yan pa ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Kung bakit lagi kaming pinagtatabi ng mga teachers since 7th grade! Nakakairita talaga..."

Napangiti uli si Ms. De Berry, natutuwa sa mga sinasabi ni Alexis.

"Ibig sabihin ba niyan, interesado ka sa kanya?" pagbibiro na naman ni Ms. De Berry kay Icerage Princess.

"H-Hindi! Ano ba Ma'am?! Iniinis nyo din ako eh! Mahilig makialam yung taong yun, kaya lagi siyang napapahamak!"

"Nakakatuwa ka talaga Alexis. Alam mo, nasa denial stage ka na. 'Wag mo na i-deny. Alam kong iniisip mo din siya, at madaming sumasagabal sa isip mo."

Tahimik lang si Alexis at naiinis siya dahil hindi niya maitago kay Ms. De Berry ang mga naiisip niya.

"Oh, 'di ba? Tama naman ako?" Nakangiti si Ms. De Berry, na may halong pang-asar na tono.

"Tss..." hindi na siya makatingin ng derecho kay Ms. De Berry, dahil baka mabasa na naman niya ang nasa isip niya.

"Maiba ako, may awarding kayo ngayon 'di ba? Dapat nandoon ka," paalala ni Ms. De Berry. At dahil na open na naman ang topic na 'to, nainis na naman si Alexis.

"Argh... ayoko nga umattend Ma'am! Pinilit na ko nung nakakairitang lalaking 'yon kanina at sabi ko ayoko!"

"Kung hindi ka niya napilit, pwes ako ang pipilit sayo," matapang na sinabi ni Ms. De Berry. Dahil dito,napalunok si Alexis at biglang kinabahan sa mga susunod na gagawin ni Ms. DeBerry. 



Unintentional GameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt