Episode 14: 'Wag ka magpadala sa galit

55 2 0
                                    

Mabilis na hinabol ni Hailey si Alexis paakyat ng 4th floor. Inis na inis siya dahil sa mga taong hindi na naman nakapag pigil ng ingay nila. Sa pag akyat niya ay madami siyang nakakasalubong pababa na papuntang canteen. Umiiwas sila sa mata ni Alexis dahil takot sila sa kanya.

"Magsi-alis kayo sa harap ko!!!" sigaw niya habang nakatingin ng matalim sa mga estudyanteng pababa kaya naman natakot sila. Agad silang nagtakbuhan pababa.

"Nakakatakot talaga!!!" 'Yan ang mga ingay ng mga estudyante sa 4th floor habang pababa sila papuntang canteen. Sa bilis nila ay nababangga nila si Hailey na nagmamadaling abutan si Alexis.

"Go! Teka lang!" tawag naman ni Hailey. Maaaring hindi siya narinig ni Alexis sa dami ng estudyanteng kasalubong nila, o sadyang hindi niya lang pinansin si Hailey sa inis niya?

Humupa din ang estudyante sa 4th floor dahil lahat sila ay nasa canteen na sa ground floor para kumain. Naiwan na lamang sa 4th floor si Hailey at Alexis para maglinis.

"Go-"

"Bakit ba nakasunod ka pa din?!" Hindi nakatapos si Hailey ng kanyang gustong sabihin dahil agad siyang nakontra.

"Kasi hindi pa ako gutom?" Tugon ni Hailey na may halong biro. Ikinainis ito ni Alexis. "Ikaw ba? Hindi ka pa ba gutom?" Habol niya.

"Hindi!" Inirapan niya si Hailey at nagpatuloy na silang dalawa sa paglilinis. Nag open ng bagong topic si Hailey.

"Hindi ko alam na may pagka-OC ka pala." sabi ni Hailey habang nagwawalis.

"Eh ano naman paki mo kung may pagka-OC ako?"

"Ahh... wala naman. I just find it cool. Saka may nalaman akong kakaiba tungkol sayo na hindi alam ng karamihan."

Hindi na umimik si Alexis sa inis niya.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglilinis sa 4th floor hanggang sa maging malinis ito. Si Hailey ang nagwalis at si Alexis naman ang nag punas ng mga bintana. Nakatapos sila bago matapos ang lunch time. Halos isang oras din sila sa 4th floor dahil ang lunch time ay isang oras. Ngunit hindi pa din tumutunog ang school bell.

Nauna nang umakyat si Alexis ng 5th floor ng walang pasabi kay Hailey kaya naman sumunod na lang siya sa pag akyat niya.

"Ramdam ko talaga na ayaw niya sakin..." sinabi ni Hailey sa sarili niya.

Makikita mo sa 5th floor ng Senior High School building ang room ng music club at iba pang bakanteng rooms. Sa 5th floor located ang music room para kung may practice man ang members nila ay hindi sila nakakasagabal sa mga nagkaklase. Ang mga bakanteng room ay dati ng mga club room pero dahil ang mga estudyante ay naiingayan sa members ng music club, nag desisyon na lang ang High School Student Council ng Alexavier University na ilipat ang mga club sa baba at maiiwan ang music club sa taas.

Nasa right wing ng 5th floor ang music room kaya naman nadaanan ito nina Alexis at Hailey. Nakarinig sila ng tumutugtog. Patuloy na naglalakad si Alexis para maglinis at si Hailey naman ay napahinto ng marinig ang magandang performance.

"Ang galing nila..."

"Sus. Magaling nga, kaso malapit na matapos ang lunch break pero andito pa din sila. Cutting na 'yan! Hahaha!" Banat ni Alexis habang nagpupunas ng bintana.

"So.. marunong ka din palang maka-appreciate..." sa pagsabi ni Alexis ng magaling silang tumugtog ay napansin ni Hailey na nakaka-appreciate din pala ang may malamig na puso na si Icerage Princess.

"Ikaw... Naiinis na ko sayo!!!" Mabilis na lumapit si Alexis kay Hailey na hawak ang kanyang walis at ang kahoy nito ay inamba niya kay Hailey. Agad namang tinaas ni Hailey ang kahoy ng walis niya sa harapan at ibabaw ng kanyang mukha para dumepensa. Buti na lang ay tumunog na ang bell, hudyat na kailangan na bumalik ng mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.

"Hoy, tara na late na tayo!" Sigaw ng isang estudyante sa mga kasamahan niya sa banda na nasa loob ng music room at nagpa-practice.

"Tara takbo!"

Umalis sina Hailey at Alexis sa tapat ng music room para iwasan ang mga estudyanteng papalabas ng music room at sa taranta ni Hailey, hinila niya ang kamay ni Alexis at tumakbo sila papunta sa hagdan paakyat ng rooftop.

Lumabas nang tumatakbo ang limang estudyante sa music club. Napahinto ang isa sa kanila.

"Ay teka, parang nakarinig ako ng ingay dito kanina."

"Tayo lang naman tao dito sa 5th floor eh." Tugon ng isa.

"Tignan ninyo 'yun oh! May naiwang basahan sa sahig!"

"Hala!!! Baka may multo na dito sa Senior High School building ng Alexavier University!!!" Sabi naman ng isa.

"Mga sira! Baka may dumaan lang na mga estudyante! Ang OA ninyo ah!" Sagot naman ng nag iisang babae sa grupo, at ang vocalist ng banda nila.

Nagmadali na silang lahat pababa ng mga classroom nila at ang dalawa naman sa hagdan ng rooftop ay nakatambay pa.

"Ayan, naka-alis na sila." Nakahinga ng maluwag si Hailey. Sa kabilang banda, hinampas ni Alexis ng malakas ang kamay ni Hailey na nakahawak pa din sa kamay niya.

"Ah!" Nasaktan ang binata.

"Sino may sabi sayong hawakan mo ko?!?!"

"..... s-sorry. Kinabahan kasi ako kaya hinila na lang kita papunta dito..." tugon ni Hailey habang hinihimas ang kamay niyang nasaktan sa palo.

"Nakakainis na talaga... lagi ka na lang save by the bell! Swerte ka ngayong araw... ngayon lang!!!" Sinabi ni Alexis habang pinapalo sa pader ang dulo ng walis na hawak niya.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng bigla silang nakarinig ng ingay sa rooftop.

"Hahaha naunahan natin si Alexis dito sa rooftop! Tara pahinga muna... mamaya na tayo maglinis."

"Nakakapikon talaga ang babaeng 'yun. Kung 'di lang siya babae, pinatulan ko na talaga siya ng matindi!"

"Sisirain ko mukha niya!"

Ingay ito ng tatlong lalaki na naparusahan din ni Mr. Caderna. Gigil na gigil sila.

Tumingin si Hailey kay Alexis at ramdam niya na umiinit ang ulo ni Alexis dahil mukhang isang tigre na ang nakikita niya ngayon kaya agad siyang umaksyon.

"Saglit lang, Go! 'Wag ka magpadala sa galit!" sigaw niya, at napahawak siya sa balikat ni Alexis.

Tumingin siya ng matalim na tingin kay Hailey, hinawakan ang kanyang uniform gamit ang kanyang kanang kamay at tinulak siya sa pader! Makikita mo sa mukha ni Hailey na pinagsisisihan niya ang ginawa niya.

"Bakit ba ang hilig mo makialam?!?! Napipikon na 'ko!!!" ramdam na ramdan ng binata ang galit ng prinsesa. Pero hindi nagpatinag ang binata. Hinawakan niya gamit ang kanyang kanang kamay ang braso ng prinsesa na tumulak sa kanya sa pader.

"Pakiusap... Huminahon ka, Alexis."

Nanglaki ang mata ni Alexis sa aksyon ni Hailey at bigla siyang napahinto. Mabilis na nag flashback sa kanya ang mga pangyayaring tinulungan siya ni Hailey, mula sa pagtulong sa kanya noong hinagis siya sa pintuan ng room nila hanggang sa paglilinis ngayong araw.

Lumuwag ang hawak niya sa uniform ni Hailey hanggang sa mabitawan niya ito, at nagulat si Hailey dahil ito ang unang beses na ramdam niya na nakinig si Alexis sa kanya.

"Uhmm... uhh....uhhhh..." nauutal si Hailey at napapalingon sa kaliwa't kanan niya. "S-Sorry kung tinawag kita sa pangalan mo!"

Tahimik lang si Alexis na nakatulala pa din sa direksyon kung saan naka-pwesto si Hailey.

"Hindi... 'di 'yun ang problema ko." kalmadong sumagot si Alexis. Nagulat na naman ang binata dahil ito ang unang beses na sumagot si Alexis sa kanya ng hindi nakasigaw.

Dahil dito,nag walk-out si Alexis.

"Teka lang, Alexis!"

Note: OC means Obsessive Compulsive Personality. Sa madaling salita, sila yung mga taong gusto lahat malinis, at pati sarili nila ay kailangan malinis.



Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon