Episode 21: Please, pumunta ka.

35 2 0
                                    

Isang maganda umaga na naman sa Alexavier University at ito din ang huling araw ng academic week. Hanggang ngayon ay palaisipan pa din kay Hailey ang ilang mga bagay. Una, kung bakit naluha si Alexis habang nasa horror logic booth siya. Pangalawa, kung bakit pumasok si Alexis sa loob ng booth na iyon at pangatlo, kung ano ang dahilan ni Alexis para mag participate sa quiz bee.

Hindi nakita ni Hailey si Alexis noong mga nakaraang araw ng academic week kaya baka ngayong huling araw ay hindi pa din siya magpakita.

"Szanon, wala bang balita kay Alexis?" tanong ni Lanz kay Hailey habang nakatambay silang dalawa at magkatabing nagbabasa sa loob ng classroom nila. 

 "Wala, Lanz." tugon ni Hailey.  

Si Lanz ay nagbabasa ng comics at si Hailey naman ay nagbabasa ng dictionary. Silang dalawa lang ang tao sa room dahil ang iba ay may iba't-ibang events na sinalihan at pinupuntahan.

"Awarding pa naman mamayang hapon tapos wala siya," napabuntong-hininga na lamang si Lanz, nalulungkot. Tahimik lang si Hailey at tinuloy na ang kanyang pagbabasa.

"Tapos may bonfire night pa," napabuntong-hininga uli si Lanz. Sa bonfire night, maaari mong isayaw ang mga taong gusto mo isayaw. Kaibigan man o karelasyon, kahit sino ay pwede. Kahit na ang mga guro ay pwede din sumayaw habang nakapalibot sa malaking bonfire.

"Gusto ko sana isayaw si Kate. Arghhh nakakainis naman!!!" Napasigaw si Lanz at nag echo sa buong room ang boses niya, nang biglang bumukas ang pintuan at si Kate ang nandoon. Nagulat naman ang dalawa, kinakabahan.

"H-Hi Kate! Hahaha! Akala ko nag-iikot ka?" Pinagpapawisan si Lanz, nananalangin na sana hindi narinig ni Kate ang sinabi niya.

"Ang aga aga, ang ingay mo Lanz." Sinabi ni Kate habang lumalapit sa upuan niya na nasa bandang dulo para ibaba ang kanyang bag.

Lalo namang kinakabahan ang dalawang binata.

"Ahaha... sorry! Narinig mo ba yung sinabi ko?" Kabadong tanong ni Lanz.

"Hindi," sabay suot ni Kate sa kanyang earphones at kinuha ang kanyang textbooks para magbasa.

Gumaan ang loob ng dalawa dahil buti na lang hindi narinig ni Kate ang sinigaw niya.

"Mag ingat ka sa susunod Lanz," bulong ni Hailey sa kanya.

"Haha oo Szanon!" Bulong ni Lanz pabalik.

Tumambay lang ang tatlo sa loob ng room habang iniintay mag 12:00nn para sa lunch break.

Pagpatak ng 12:00nn ay isinara na ni Lanz ang kanyang comics at tumayo na siya para yayain sina Hailey at Kate na kumain.

"Szanon! Kate! Tara kain!"

"Kayo na lang. Mamaya na ako," tugon ni Kate.

"Sumama ka na please, Kate!" pilit ni Lanz, ngunit hindi niya siya mapilit.

"Saan tayo kakain Lanz? Ang daming kainan sa baba..." Tanong ni Hailey.

"Kahit saan! Pag nasa baba na tayo saka tayo mamili kung saan kakain!" Masiglang sinabi ni Lanz.

"Sige. Kate, let's go?" anyaya ni Hailey sa ayaw magpapilit na si Kate

".... okay," tinago na ni Kate ang textbook na binabasa niya at nilagay ito sa loob ng bag niya. Tumayo na sila ni Hailey mula sa kinauupuan nila.

Sa mabilis na pag oo ni Kate ay may ikinagulat si Lanz. Tulala siya. Bigla siyang nakaramdam ng kaunting selos kay Hailey. Iniisip ni Lanz na bakit kapag si Hailey ang magyayaya ay okay sa kanya agad, ngunit pag siya mismo ang magyaya ay pahirapan pa?

Unintentional GameWhere stories live. Discover now