Episode 19: Pwede ba tayong mag usap?

68 2 0
                                    

Pagkapasok ni Alexis ay biglang tumahimik ang lahat, at nakangiti naman ang mga kasamahan niya dahil sa wakas ay nagpakita na siya. Nanatili lang silang nakatayo habang wala pang announcement sa mga mangyayari. Walang ibang tao sa loob ng room kundi ang section 1 at 2 pati na din ang organizers ng quiz bee.

Sina Ms. Tampelix, Kate at Lanz ay nakaupo sa may likod, sa may bakanteng upuan. Malayo sila sa harap, kung saan uupo ang mga representatives ng unang paglalabanan. Unang subject ay Mathematics.

Naglagay ng malaking harang ng kurtina sa gitna ng room para hindi magkarinigan ng sagot. Umupo na sina Alexis at Hailey sa harap na kung saan may dalawang upuan sa gitna ng isang table at ito ang magiging patungan nila. Dalawa lamang ang table sa harap, isa sa left side at isa sa right side na pinapagitnaan ng malaking harang ng kurtina. Sina Hailey at Alexis ay naka pwesto sa kaliwa, at ang section 2 ay naka pwesto sa kanan. Ang mangyayari, magkaharap ang magka section na representatives. Ibig sabihin, magkaharap sina Hailey at Alexis, at ganoon din sa section 2. Kaya sila magkaharap ay para makipagtulungan sa kanilang kaklase. Nagbigay ang mga teachers ng mga papel sa bawat section. Ito ang kanilang magiging scratch papers.

"Dahil naka pwesto na ang bawat representative ng section sa kanilang pwesto, simulan na natin ang quiz bee for Mathematics sa pagitan ng section 1 at section 2," anunsyo ng isa sa mga teachers na organizer. "Ang lahat ng quiz bee ay may sampung items kada difficulty. Meron tayong easy, intermediate, at hard." Kinakabahan naman si Lanz para sa dalawa niyang kaklase, samantalang para kina Hailey at Alexis ay wala lang ang quiz bee na ito.

"Bibigyan kayo ng 15 seconds para i-solve ang bawat problem. Pag sinabing stop answering, ipapakita niyo na sa amin ang sagot niyo. Bawal ang calculator."

Hanggang ngayon ay hindi pa din tumitingin si Alexis kay Hailey. Maaring bumabagabag pa din sa kanya ang nangyari sa rooftop last week.

"Good luck sa atin, Go..." bati niya, ngunit hindi nagsalita ang prinsesa.

"Ito ang unang problem para sa easy round," habang sinabi ng isang teacher ang unang problem ay may nagsusulat naman na isang teacher sa white board ang mismong mathematical equation.

"Solve for x. x + 1 = 9. Start answering."

Agad namang nagsagot ang dalawa. Tumatakbo na ang 15 seconds nila.

"Go, ano sagot mo?" pabulong na tanong ni Hailey.

"Eight," tugon ni Alexis, pero 'di pa din siya makatingin kay Hailey. Napangiti naman si Hailey dahil nakikipag cooperate si Alexis sa kanya ngayon.

"Okay, pareho tayo ng sagot."

"Stop answering. Ano sagot niyo, section 1?"

Si Hailey ang nagsalita, "x = 8 po Ma'am."

"Section 2, ano sa inyo?"

"x = 8 po Ma'am."

"Okay, both sections 1 and 2 got the correct answer."

"All right!" natuwa naman si Lanz dahil tumama sila sa una. Sina Kate at Ms. Tampelix naman ay kalmado pa din na nakaupo at nanonood sa kanila mula sa likod.

Nagpatuloy ang easy round. Parehong nagpapakita ng galing ang dalawang section dahil tabla ang scores nila. Parehong 9 na ang score nila at ngayon ay dadaan na sila sa huling problem para sa easy round.

"Last problem for easy round. -10x + -19 = 19 + 8x. Start answering." Tumatakbo na ang 15 seconds nila.

"Go, ano sagot mo?" pagkatapos ng 7 seconds ay bumulong uli si Hailey pero tinignan lang siya ng matalim ni Alexis. Iniisip niya na bakit ang bilis niya magsagot, samantalang siya ay patapos pa lang sa pagsasagot.

Unintentional GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang